Fact or fake news: Sarah Geronimo, may "big announcement"?

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2020
Kumakalat ngayon ang isang social media post na nagpapahiwatig na may "big announcement" umano ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Pero ang tanong: totoo ba ito o fake news?
PHOTO/S: Noel Orsal

Totoo bang lilipat na sa GMA Network si Popstar Royalty Sarah Geronimo?

Ito ang katanungan ng mga nakabasa sa social media post na may litrato ng singer-actress, may logo ng Viva at GMA-7, at may caption na: "Just a business decision nothing personal. Big announcement soon!"


Para sa ikapapanatag ng kalooban ng loyal Sarah fans, walang malaking announcement na mangyayari dahil walang katotohanan ang balita.

Continue reading below ↓

Upang hindi maging biktima ng fake news ang mga supporters ni Sarah, ang mga official announcement ng Viva Artists Agency (VAA) ang kanilang hintayin at paniwalaan.

Ang VAA ang nangangalaga sa showbiz career ng Kapamilya star.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isa lamang si Sarah sa mga artista ng ABS-CBN na ibinabalitang lilipat sa ibang TV stations dahil sa pagsasara ng Kapamilya Network.

Pero salat ito sa katotohanan.

Totoong may ibang Kapamilya stars na lumalapit sa ibang TV network para mabigyan ng trabaho, pero mas marami ang mga artista ng ABS-CBN na nangingibabaw ang loyalty at may respeto sa kontratang kanilang pinirmahan.

RELATED SORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumakalat ngayon ang isang social media post na nagpapahiwatig na may "big announcement" umano ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Pero ang tanong: totoo ba ito o fake news?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results