Rise & Shine Pilipinas ng PTV4, planong unahan ang Rise and Shine ng TV5

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2020
Sa kalagitnaan ng Agosto ang pag-ere ng bagong morning talk show ng TV5 na Rise and Shine, na ihu-host nina Roia Atayde, Pauleen Luna, at Pokwang (nasa larawan). Samantala, ang pamagat naman ng upcoming morning show ng PTV4 ay Rise & Shine Pilipinas.
PHOTO/S: @mjmarfori Twitter

Sa middle of August pa ang target airing ng Rise and Shine, ang morning talk show nina Pauleen Luna, Ria Atayde, at Pokwang sa TV5.

Pero tila mauunahan ito ng Rise & Shine Pilipinas, ang upcoming morning show ng PTV4.

Ang Rise & Shine Pilipinas ang isa sa mga unang project ni Kat De Castro bilang station manager ng Philippine government-owned television network.

Ipinapakita na ng PTV4 ang television plug ng Rise & Shine Pilipinas, na kapareho ng pamagat ng upcoming talk show nina Pauleen, Pokwang, at Ria.

Continue reading below ↓

Diumano, plano ng PTV4 unahan ang launching ng Rise and Shine ng TV5 kaya naglabas na ito ng teaser, kahit hindi pa kumpleto ang mga host at ang production staff na binubuo ng displaced employees ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang PTV4 news anchor at Miss Philippines Air 2014 Diane Querrer at ang former ABS-CBN news anchor na si Aljo Bendijo ang mga napipisil bilang mga host ng Rise & Shine Philippines.

Reportedly, gusto rin ni Kat na kunin na host ng morning show ang UNTV news anchor na si Diego Castro, na dating talent din ng ABS-CBN.

Kapag nauna ang telecast ng Rise & Shine Pilipinas, hindi malabo ang posibilidad na mapilitan ang mga producer ng morning talk show nina Pauleen, Ria, at Pokwang na magpalit o mag-isip ng bagong pamagat dahil sa mabilis na aksyon ni De Castro at ng PTV4.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kalagitnaan ng Agosto ang pag-ere ng bagong morning talk show ng TV5 na Rise and Shine, na ihu-host nina Roia Atayde, Pauleen Luna, at Pokwang (nasa larawan). Samantala, ang pamagat naman ng upcoming morning show ng PTV4 ay Rise & Shine Pilipinas.
PHOTO/S: @mjmarfori Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results