PTV4 host, tanggal sa trabaho dahil sa tweet na hindi nagustuhan ng government official

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2020
Eight years ago, kinuha ng PTV4 ang dating University of the Philippines student leader na si Jules Guiang bilang news reporter dahil vocal siya sa current events at controversial issues. Pero ito rin ang dahilan kaya tinanggal siya ngayon sa trabaho.
PHOTO/S: Instagram

Hindi nagustuhan ng isang government official ang social media post ng PTV4 talk show host na si Jules Guiang kaya tinanggal siya sa trabaho.

Si Jules ay dating University of the Philippines student leader na kinuha ng PTV4 bilang news reporter, noong 2012, dahil sa vocal ito o isinasatinig ang kanyang opinyon tungkol sa current events and controversial issues.

Walang kamalay-malay si Jules na pagkaraan ng walong taon, ang matapang na paglalabas niya ng saloobin ang magiging dahilan din para matanggal siya sa serbisyo.

Ang ilan sa mga naging programa ni Jules sa PTV4 ay ang Good Morning Boss, Good Morning Pilipinas, Bagong Pilipinas, Iskoolmates, Sulong Pilipinas, at ang DILG show na Tayo Na at ang Kalayaan Playlist.

Noong June 20, nag-tweet si Jules ng opinyon tungkol sa pagdinig ng Committee on Legislative Franchises sa renewal ng franchise application ng ABS-CBN.

Ito ang bahagi ng kanyang pahayag: “Defensor grills ABS-CBN for hiring people under diff contracts, like some aren’t regularized.

Continue reading below ↓

"Check govt’s backyard, thousands aren’t regularized. Ex: I’m on my 8th year in PTV w/o benefits, no employer-employee status. Job orders are a thing in govt & private sector.

“We’re all for regularization, for a living wage, etc. I just find this argument hypocritical to be used against a network that is trying to renew their franchise. Maybe it’s a wake up call for the industry to treat their people fairly pero ‘wag naman ipitin ang dos dahil dito.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

Si Anakalusugan Representative Mike Defensor ang isa sa mga gumisa nang husto sa mga kinatawan ng ABS-CBN sa isinagawang pagdinig.

Matapos magwagi, isa rin siya sa nakitang nagpaplano ng takeover ng network sa isang Zoom meeting ng ilang kongresista.

Nakarating sa mga kinauukulan ang tweet ni Jules na pinagpasa-pasahan sa social media ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Diumano, hindi nagustuhan ng isang government official ang pahayag ni Jules at ang succeeding tweets nito.

Noong July 20, sinabihan siya ng management ng government-owned station na hindi na kailangan ang kanyang serbisyo.

Sinisikap ng Cabinet Files na kunin ang pahayag ni Jules tungkol sa isyu na naging katapusan ng career niya bilang host ng PTV4 na kanyang matapat na pinaglingkuran.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eight years ago, kinuha ng PTV4 ang dating University of the Philippines student leader na si Jules Guiang bilang news reporter dahil vocal siya sa current events at controversial issues. Pero ito rin ang dahilan kaya tinanggal siya ngayon sa trabaho.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results