John Regala, may liver cirrhosis; mga kapwa-artista, nagpaabot ng tulong

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2020
John Regala: "Kung simpleng tao lang, hindi makakayanan ang ratsada ng problema na kinahaharap ko ngayon."
PHOTO/S: GMA Network / Carlo Clariza

Nagpapasalamat si Carlo Clariza dahil naging instrumento raw siya ng Panginoon para malaman ng publiko ang kalagayan ng aktor na si John Regala.

Si Carlo ang Grab driver na nag-post sa Facebook noong Lunes, July 27, ng litrato ni John na nakaupo sa bangko na tila may hinihintay.

Humingi raw sa kanya ng tulong ang aktor dahil nahihilo, nanghihina, at gutom na gutom.

Continue reading below ↓

Mabilis na nag-viral ang Facebook post ni Carlo kaya kumilos ang mga kasamahan ni John sa entertainment industry para tulungan ang aktor.

May sakit na liver cirrhosis si John, 55.

Ayon sa www.healthline.com, ang sobrang pag-inom ng alcohol at serious infection, tulad ng hepatitis, ang dahilan ng liver cirrhosis.

Pinahihirapan din si John ng esophageal varices, ang pamamaga ng kanyang lower esophagus lining na epekto pa rin ng pagkakaroon niya ng cirrhosis of the liver.

Year 2016 nang ma-diagnose na may esophageal varices si John kaya hindi ito makakain, sumusuka, at dumudumi siya ng dugo.

Dahil hirap kumain, ang Aminoleban Oral ang tanging food supplement ni John, na walang ibang gamot para sa kanyang esophageal varices.

Ang Aminoleban Oral, ayon sa www.mims.com, ay "An enteral formula containing amino acids, carbohydrates, fats, vitamins and minerals as a dietary supplement especially for patients with liver impairment."

May mga kapwa artista si John na tahimik na nagpapadala ng tulong at nag-aalok na bigyan siya ng supply ng Aminoleban Oral, pero mas gusto niyang pera ang ibigay sa kanya para sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Continue reading below ↓

Anim na taon nang hindi nakakapagtrabaho si John dahil sa sakit.

Hindi madali sa kanya ang humingi ng tulong dahil nahihiya siya, pero nilalakasan ni John ang loob dahil sa kagustuhang madugtungan pa ang buhay niya.

Maliban sa mga sakit, iniinda pa rin daw ni John ang pagkamatay ng kanyang ina, ang dating aktres na si Ruby Regala, na pumanaw noong January 2020.

May problema rin daw sila ngayon ng kanyang asawa.

"Kung simpleng tao lang, hindi makakayanan ang ratsada ng problema na kinahaharap ko ngayon," pahayag ni John sa phone interview sa kanya ng 24 Oras kagabi.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Regala: "Kung simpleng tao lang, hindi makakayanan ang ratsada ng problema na kinahaharap ko ngayon."
PHOTO/S: GMA Network / Carlo Clariza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results