Dating actor-model Lito Gruet, nasaksihan ang "Palit-Katawan" sa loob ng preso

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2020
Lito Gruet on his recovery from drug addiction: "From being a MESS I am now a MESSENGER. God is AMAZING!"
PHOTO/S: Instagram

Para sa dating model-actor na si Lito Gruet, hindi masisisi ang mga Pilipinong mag-isip na nangyayari sa kulungan ang tinatawag na "Palit-Katawan."

"Palit-Katawan" ang kalakalang nailalabas ang isang inmate mula sa kulangan nang hindi naitatala dahil may ibang taong ipinapalit sa kanya sa loob.

Siyempre pa, ito ay maaaring mangyari lamang dahil may nababayarang mga awtoridad ng kulungan.

Lalo na raw sa hanay ng high-profile inmates na handang maglabas ng malaking pera, kayang-kayang gawin ang Palit-Katawan.

Sa pagkukuwento ni Lito, sinabi nitong base ang kanyang kaalaman sa personal na mga karanasan nang
lulong pa siya sa ilegal na droga noong mga taong 1984 hanggang 2000.

Nitong kasalukuyan, nabuhay muli ang mga pagdududa tungkol sa Palit-Katawan matapos naibalitang namatay ang big-time carnapper at kidnap-for-ransom leader na si Jaybee Sebastian dahil umano sa COVID-19, noong Hulyo 18, at pagkatapos ay na-cremate agad ang kanyang bangkay.

Ipinakita na lamang ng Bureau of Corrections (BuCor) sa media ang mga larawan ng walang buhay na katawan ni Sebastian bilang patunay na ito ay namatay.

Continue reading below ↓

Noong Sabado, July 25, kumalat ang balitang sumakabilang-buhay din dahil sa coronavirus ang convicted carnapper at kidnapper na si Raymond Dominguez.

Mabilis namang pinabulaanan ng BuCor ang balita dahil buhay na buhay daw si Dominguez, ang ama ng anak ng sexy star na si Katrina Paula.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang mga kaso nina Sebastian at Dominguez ang dahilan kaya naibahagi ngayon ni Lito ang mga dating karanasan.

Kabilang dito ang talamak na paggamit ng mga preso ng illegal drugs sa loob mismo ng bilangguan, at ang malayang paglabas mula sa kulungan ng mga Chinese drug lords sa tinatawag ngayong "Palit-Katawan."

Dating drug user si Lito.

Continue reading below ↓

PALIT-KATAWAN

"I once recklessly joined a friend entering the Manila City Jail as guests of a 'VIP,'" umpisang kuwento ni Lito sa Cabinet Files, sa Facebook Messenger, ngayong Miyerkules ng hapon, July 29.

"During that time, in the late 1990s, there was a severe shortage of shabu. Wala kang mabili sa buong Metro Manila or even nearby Luzon.

"My female friend owed me some stash, so natameme ako nung sinama niya ako dun.

"Nagulat ako! Sa loob, madaming drugs at contraband.

"Yung babae na nagdala sa akin, may kausap na Chinese drug lord regarding a deal na Palit-Katawan for a huge fee.

"May connection ang girl sa CIDG [Criminal Investigation and Detection Group] back then.

"The modus is may 'papalit' na ibang Intsik sa pwesto ng drug lord.

"I was there sa special 'kubol' in one of the barracks," pagtukoy ni Lito sa sleeping quarters sa loob ng preso.

Nagulat daw si Lito dahil sa mismong loob ng city jail ay nagkaroon sila ng shabu session.

Continue reading below ↓

"After nag-usap sila privately, we all had a shabu session... inside a city jail!

"Imagine, no shabu supply ANYWHERE! All the addicts were in 'panic mode' so to speak, but we were able to take home drugs from the inside!

"And yes, you can have your foreign currency exchanged there too."

Kaya tanong pa niya, "Can 'Palit-Katawan' be unrealistic?”

Ayon pa kay Lito, "open secret" naman daw na hindi nawawala ang corruption sa mga kulungan.

Paglilinaw niya, "But this is NOT to say it is still happening in our national jails like the Bilibid—with all due respect to Director-General Gerald Bantag who in my personal opinion is NOT corruptible.

"The thing is, hindi mo talaga masisisi ang mga tao na magduda, and I pray this is no longer the case in our prison system."

HOT STORIES

LITO'S BATTLE WITH DRUGS

Bukas sa publiko ang kuwento ng buhay ni Lito, na ngayon ay 59 years old.

Continue reading below ↓

Hindi niya inililihim ang pagkalulong sa bawal na gamot noong namamayagpag ang kanyang modelling at acting careers.


Lahad niya, "I experimented with drugs at 14, but became a full-blown user from 1984 to 2000. That’s 16 years of non-stop drug use.

"My career in modelling and showbiz went down the drain because of shabu.

Continue reading below ↓

"Wala nang gustong kumuha sa akin kasi unprofessional na akong kausap. Ginawa kong Diyos ang shabu."

Tuluyang nasira ang buhay ni Lito kaya nasubukan niyang manirahan sa kalye at magnakaw para may makain.

Pagbabalik-alaala ni Lito sa madilim na nakaraan: "Kumakain ako noon ng mga tirang pagkain mula sa mga fastfood, natutulog sa jeepney at kalye, sa may gilid ng Roxas Boulevard, sa gilid ng simbahan.

Continue reading below ↓

"Maraming beses ako na naaresto, muntik nang patayin ng mga miyembro ng sindikato, kaliwa’t kanan ang sakit, at nag-shoplifting ako para may makain.

"The once 'glamorous' Pitoy Moreno model became a law-breaker, homeless, jobless, broke, free-loading drug addict, a willing kasambahay and utusan."

But that was a long time ago.

Continue reading below ↓

A SELF-CONFESSED CHANGED MAN

Ngayon, maayos at may direksiyon na ang buhay ni Lito. Isa na siyang anti-drug-abuse advocate at marami na siyang natutulungang naliligaw ng landas, kaya malaki raw ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Saad niya, "Everything didn't turn out bad though because I gained a wealth of experience to share! To help educate and warn others.

"This is God's purpose, I believe.

"He gave me 16 years of extensive on-the-job-training! And HE saved me from this enslavement and gave me back my life, dignity, and self-respect after the horrible lesson of life."

Naging rehab center director din si Lito ng Drug Abuse Research (DARE) sa loob ng sampung taon.

Pagmamalaki pa ng former model-actor: "[I] have been 'clean' for 20 years now and counting.

"And all the ailments I was suffering from—borderline diabetes, hypertension, cystitis (bladder infection), gout, urinary tract infection, hepatitis—ALL GONE!

"And now, it is my turn to try to help save lives thru my mission and advocacy to fight drug abuse... Thru social media and being invited to share my testimony and give drug abuse talks, specially to the youth in numerous schools and universities."

Continue reading below ↓

Diin ni Lito: "From being a MESS I am now a MESSENGER. God is AMAZING!"

Ngayon ay miyembro rin si Lito ng People's Volunteer Against Illegal Drugs (PVAID), isang NGO na PDEA-accredited.

Ang PDEA ay ang Philippine Drug Enforcement Agency, ang kinikilalang lead agency ng gobyerno sa paglaban sa droga.

Continue reading below ↓

Mayroon ding anti-drug-abuse column si Lito, ang "Killing the Soul," para sa internet news portal na iNews.Ph.

Volunteer naman siya sa BAI Foundation/Safehaven Recovery Village, isang Christian 12-step program rehab sa Cebu.

Naimbitahan ding sumali si Lito sa Philippine Pediatrics Society Central Visayas Mental Health Advocacy Group (PPSCV7) na focused, ayon sa kanya, "on the prevention of Depression, Bullying and yes, Addiction among todays youth."

Pagsusuma ni Lito sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon: "Definitely... better than LIFE IN JAIL or being 6-feet underground."

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lito Gruet on his recovery from drug addiction: "From being a MESS I am now a MESSENGER. God is AMAZING!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results