Ito ang eksaktong pahayag ni Aljur Abrenica tungkol sa ABS-CBN franchise issue...

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2020
Nabatikos nang husto si Aljur Abrenica dahil sa naging pahayag niya tungkol sa franchise issue ng kanyang home network, ang ABS-CBN. Para maging fair ang lahat, panoorin si Aljur.
PHOTO/S: Noel Orsal

May mga nagdududang misquoted si Aljur Abrenica sa mga pahayag nito tungkol sa franchise issue ng ABS-CBN.

Pero ang video ng Zoom conference noong July 24, para sa upcoming movie na Mamasapano, ang matibay na pruwebang accurate ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang Mamasapano ang drama-action movie na pagbibidahan nina Aljur at JC de Vera na hango sa mga tunay na pangyayari sa Mamasapano Massacre noong January 2015. Ipoprodyus ito ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.

Hindi pa nagsisimula ang shooting ng Mamasapano, pero parang nauna nang "pinaslang" si Aljur dahil sa matitindi at masasakit na batikos na tinanggap niya mula sa mga taong hindi matanggap ang kanyang sagot tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Para sa iba, "insensitive" ang naging pahayag ni Aljur.

Ang video ang makapagpapatunay na malumanay, may respeto, at maingat ang pagsagot ni Aljur.

Kadalasan kasi, iba ang perception ng publiko kapag nababasa lamang nila ang sinasabi ng artista.

Continue reading below ↓

Ngunit totoo ring hindi siya out-and-out na nag-rah rah para sa kanyang home network.

Once again, ito ang unedited, eksakto, at hindi misquoted na pahayag ni Aljur tungkol sa posisyon niya sa ipinagkait ng Kamara na franchise ng ABS-CBN:

"Well, we all have our fight, e.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Hindi naman sa hindi ako vocal. Meaning, I’m against it. Actually, pro ano ako... pro-franchise ako.

"Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin.

"Pero, it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.

"I don’t know yung root niyan. Matagal na yung nangyayari.

"I don’t know the details, unlike si Atty. [Topacio], alam niya lahat, kasi ‘yan ang field niya.

"Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera.

"So, I’m really looking forward…

"How I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse and the opportunity to get better as a network, and also a sign ng government.

Continue reading below ↓

"Every case naman na ganito, may opportunity to make everything better. Yun na lang ang tinitingnan ko.

"Pero to make this ano… para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako.

"Pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise.

"May mas malaki pang dahilan kung paano nangyari."

Ang misis ni Aljur na si Kylie Padilla ay anak ng action star na si Robin Padilla, na kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabatikos nang husto si Aljur Abrenica dahil sa naging pahayag niya tungkol sa franchise issue ng kanyang home network, ang ABS-CBN. Para maging fair ang lahat, panoorin si Aljur.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results