Anak umano ni John Regala mula sa Batangas, gustong makilala ang aktor

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2020
Isang John Santos (kaliwa) ang nagnanais makilala ang aktor na si John Regala (kanan). Ayon sa binatang taga-Tanauan, Batangas, ang aktor ang kanyang biological father.
PHOTO/S: Facebook

Isang 24-year-old na binata mula sa Tanauan, Batangas, ang matagal nang gustong makilala ang kanya umanong biological father—ang character actor na si John Regala.

John Santos ang pangalan ng pinaniniwalaang estranged son ng aktor.

Nang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, July 28, ang kasalukuyang kundisyon ni John, humingi ng tulong sa Cabinet Files si Gloria Silva del Mundo para makilala ng aktor ang anak na matagal nang naghahanap kay John.

Si Gloria, na isang PEP.ph reader, ay kagawad sa Barangay Banjo East sa Tanauan.

Kilala ng kagawad si John Santos dahil kaibigan ito ng kanyang anak.

Matagal na raw gustong makilala ni John Santos ang kanyang biological father pero hindi siya nabibigyan ng pagkakataon.

Ayon kay Gloria, noong pumutok ang Taal Volcano noong January 2020, nagpunta sa Tanauan ang aktres na si Ynez Veneracion para mamigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Nakatagpo raw nito ang nagpakilalang anak ni John Regala at nangako raw na gagawa ng paraan para magtagpo ang mag-ama. Pero walang nangyari.

Continue reading below ↓

Ayon din sa barangay kagawad, ang pangalan ng ina ni John Santos ay Vilma Santos—kapangalan ng Star For All Seasons at Batangas representative.

Kuwento niya, "Nagkakilala po sila ni John Regala sa Japan dahil entertainer siya [Vilma].

"Nalaman ni John Regala na nagbuntis si Vilma, pero hindi siya naniwala na siya ang ama ng bata.

"Noong seven years old si John [Santos], umuwi siya sa Batangas mula sa Japan. Ang lola niya ang kumupkop sa kanya."

Paglalarawan pa ni Gloria, "Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya."

Umaasa si Gloria na matupad ang pangarap ni John Santos na makilala nang personal ang biological father nito.

"Itong bata, matagal nang hinahanap si John.

"Hindi pa niya nakikita si John Regala mula noong seven years old siya.

"Kagaya ngayon, may sakit na si John Regala, sana man lang magkita ang mag-ama.

"Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay.

Continue reading below ↓

"Hindi naman siguro late na para magpa-DNA test sila," sabi ni Gloria nang makausap ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng umaga, July 30.

Nakatira raw ang 24-anyos na si John sa Ramonita Subdivision sa Tanauan. Ang ina naman daw nitong si Vilma ay sa Isabela na nakatira.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang John Santos (kaliwa) ang nagnanais makilala ang aktor na si John Regala (kanan). Ayon sa binatang taga-Tanauan, Batangas, ang aktor ang kanyang biological father.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results