Louise delos Reyes, "magbabalik" sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2020
Simula sa August 10 ay ibabalik ng GMA-7 ang One True Love, ang teleseryeng pinagbidahan ni Alden Richards at ng Kapamilya na ngayong si Louise delos Reyes noong 2012.
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA-7

Matapos magpaalam sa GMA-7 noong 2017, muling mapapanood si Louise delos Reyes sa dati niyang home studio.

Ibabalik ng Kapuso Network ang One True Love, ang primetime drama series na pinagbidahan nila ni Alden Richards.

Ipinalabas ang teleserye nina Louise at Alden sa GMA-7 mula June 11, 2012 hanggang October 5, 2012.

Nalaman ni Louise ang pagbabalik ng One True Love sa Afternoon Prime ng GMA-7, simula sa August 10, 2020, dahil isang fan ng love team nila ni Alden ang nagbalita sa kanya.

Pahayag ng Viva talent, "I was told by a fan last night on my stream that OTL (as we call it back then) will have its replay this coming Aug. 10 and of course I was really happy considering the fact that it was shown 8 years ago.

"One True Love really holds a special place in my heart because it was our first primetime show that we're the lead.

Continue reading below ↓

"Alden and I was really grateful to be with such powerful cast and directors, and also the trust that GMA gave us.

"It's so nice to see Elize and Tisoy again on TV!"

Pagpu-romote pa ni Louise sa Kapuso teleserye nila ni Alden, "I hope everyone can catch One True Love and fall in love all over again with its story."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Unang nagtambal sina Louise at Alden sa Alakdana, ang afternoon drama-fantasy-romance series ng GMA-7 noong 2011.

Hindi na malilimutan ni Louise ang Alakdana dahil ito ang unang TV series na siya ang bida.

Memorable din kay Alden ang Alakdana na pinakamalaking break niya bilang aspiring actor.

Si Mac Alejandre ang direktor ng Alakdana, at siya ang pumili kay Alden para gumanap na isa sa mga love interest ni Louise.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng fans sa Alakdana, nagkaroon agad ng follow-up project ang dalawa—ang One True Love.

Tisoy ang pangalan ng karakter ni Alden sa One True Love, at mula noon, "Tisoy" na ang nakasanayang itawag sa kanya ng mga tagahanga niya.

Continue reading below ↓

Noong 2017 ay lumipat si Louise sa ABS-CBN pagkatapos ng pitong taong pananatili sa GMA-7.

Ang huling teleserye ni Louise sa Kapamilya network ay ang Asintado noong 2018.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa August 10 ay ibabalik ng GMA-7 ang One True Love, ang teleseryeng pinagbidahan ni Alden Richards at ng Kapamilya na ngayong si Louise delos Reyes noong 2012.
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results