Cult leader Ruben Ecleo Jr., arestado matapos ang siyam na taong pagtatago

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2020
Cult leader at dating Dinagat Islands Congressman Ruben Ecleo Jr., arestado sa salang pagpatay sa asawa at graft and corruption.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Naaresto na ang cult leader at dating Dinagat Islands Congressman Ruben Ecleo Jr.

Siyam na taon ding tinugis ng Philippine National Police (PNP) si Ecleo dahil sa mga matitinding krimeng kinahaharap niya.

Natimbog siya sa San Fernando City, Pampanga, 4:30 a.m., nitong Huwebes, July 30.

Matagal nang hinatulang guilty si Ecleo sa salang pagpaslang sa kanyang asawang si Alona noong 2002, at sa salang graft and corruption noong panahong siya ay alkalde ng San Jose, Surigao del Norte.

Habambuhay na pagkabilanggo at pagbayad ng mahigit PHP25 million na danyos ang mga parusang ipinataw ng korte kay Ecleo noong April 2012 para sa kasong parricide, o pagpatay sa misis niyang si Alona.

Natagpuan noon ang bangkay ni Alona na isinilid sa itim na garbage bag at itinapon sa isang bangin sa bayan ng Dalaguete, Southern Cebu.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bago siya nagtago sa pulisya, si Ecleo ang kinikilalang "Supreme Master" ng cult group na Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA).

Ang mga tauhan ng Regional Intelligence Division-Special Operations Group at ang Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office sa San Fernando City ang mga umaresto kay Ecleo.

Kabilang si Ecleo sa listahan ng most wanted ng PNP.

Dalawang milyong piso ang pabuya noon ng pamahalaan ni former President Benigno Aquino III para sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ni Ecleo.

Napag-alamang matagal siyang nanirahan sa Angeles City at gumamit ng alias na "Manuel Riberal."

Kasama sa mga inaresto si Benjie Relacion Fernan, ang driver ni Ecleo, na sinampahan ng kasong obstruction of justice.

JEAN GARCIA'S CONTROVERSIAL VISIT IN DINAGAT ISLANDS

Noong October 2007, nabanggit ang pangalan Ecleo sa kontrobersiya kunsaan naging biktima diumano ng hostage-taking at harassment si Jean Garcia nang magpunta ang aktres sa Dinagat Islands, Surigao del Norte.

Continue reading below ↓

Headline noon ng mga news program, showbiz talk shows, at mga pahayagan ang diumano’y traumatic vacation ni Jean kasama ng kanyang kapatid at ilang mga kaibigan.

Nang pauwi na si Jean sa Maynila, exclusive na nakunan ng video ng ABS-CBN News sa Butuan na may escort na pulisya ang aktres nang ihatid ito sa domestic airport.

Makikita ring inalalayan siya ng mga tauhan ng CIDG hanggang sa pagsakay niya sa eroplano na magdadala sa kanya sa Maynila.

Ayon sa report noon ng The Buzz ng ABS-CBN, hindi umano nakasundo ni Jean ang isang hindi pinangalanang influential personality kaya naganap ang sinasabing hostage–taking.

Pero mariin itong itinanggi ng aktres sa mga interbyu sa kanya nang makabalik siya sa Maynila.

"Wala pong nangyari. Walang nangyaring masama. Wala po yung I’m being held hostage," saad ni Jean sa ulat ng The Buzz.

"Hindi po totoo yung mga sexual harassment, mga speculation na lumalabas. Wala pong katotohanan ang lahat ng 'yon.

Continue reading below ↓

"Nagpapasalamat lang ako dahil nakauwi kami nang safe with my sister and my friends."

Nakapanayam din ng The Buzz si dating Dinagat Islands Governor Geraldine Ecleo-Villaroma.

Ayon kay Geraldine, magkaibigan sila ni Jean.

Wala raw katotohanan ang bali-balitang naging biktima si Jean ng harassment noong nagbakasyon ito sa Dinagat Islands.

"Nagpapasalamat din naman ako kay Jean dahil nagsalita siya.

"Nagulat kami kung bakit ganoon ang nangyari. And in fairness to Jean, the word hostage did not come from her mouth. In fairness to Jean, the word traumatic did not come out from her mouth.

"Walang nangyari talaga kay Jean."

Welcome na welcome daw si Jean na magbakasyon muli sa kanilang lugar.

Patuloy ni Geraldine, "In fact, hindi ko binubura ang pictures namin. She is a friend and she will remain in my heart forever. I will cherish the good memories with her."

RUBEN ECLEO JR. OFFERED TO GIVE JEAN PROPERTY IN DINAGAT

Balak pa raw noon ni Jean na bumili ng lupa sa Dinagat Islands.

Continue reading below ↓

Sa puntong ito nabanggit ni Geraldine ang nakatatanda niyang kapatid na si Ruben Ecleo Jr.

Boluntaryo raw nag-alok si Ruben na handa itong bigyan ng property ang aktres.

"So, sabi ni Ruben Jr., which is my brother, 'Jean, bakit ka pa bibili? Bibigyan kita ng lupa dun malapit sa palasyo.'

"Ganoon siya ka-special. Even her friends heard that offer from my brother, and they were even clapping their hands.

Sinabi pa ni Geraldine sa 2007 ABS-CBN report, "Hindi babawiin kung bumalik siya doon, kahit ngayon, ibibigay na namin sa kanya ‘yon."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cult leader at dating Dinagat Islands Congressman Ruben Ecleo Jr., arestado sa salang pagpatay sa asawa at graft and corruption.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results