Nagpakilalang anak ni John Regala, handang magpa-DNA test

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2020
John Santos (left) says he is the biological son of actor John Regala (right): "Marami pong nagsasalita nang maganda pero marami rin ang bashers. Hindi ko po iniisip ang mga sinasabi nila. Gusto ko lang pong magkita at magkausap kami. Gusto ko lang makita siya nang personal, wala nang iba."
PHOTO/S: Facebook

Fifteen years old si John Santos nang sinabihan siyang biological father niya ang aktor na si John Regala.

Mula noon, naghangad ang binatang tiga-Tanauan, Batangas, na makilala nang personal ang pinaniniwalaang ama niya.

Vilma ang pangalan ng ina ni John.

Dating nagtatrabaho si Vilma bilang entertainer sa Japan, at dito raw sila nagtagpo ni John Regala noong 1994.

Nang mabuntis si Vilma, hindi raw kinilala ni John ang kanilang anak, na isinilang sa Tokyo, dahil sa katwirang “entertainer” ang babae kaya hindi sigurado ang aktor na siya ang ama.

Pitong taon ang batang John nang iuwi siya ni Vilma mula sa Tokyo papuntang Batangas. Ipinagkatiwala ni Vilma ang pag-aalaga sa anak sa kanyang inang si Victoria.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay John Santos sa telepono kagabi, July 30, tinanong namin ang pakiramdam ng isang batang lumaking walang ama.

"Masakit po,” gumaralgal ang boses na sagot ni John, na 24 na ngayon.

Continue reading below ↓

"Sobrang hirap po lumaki na walang ama sa tabi, kasi po walang tatay na nag-aaruga sa akin simula pagkabata.

"Sobrang sakit po na makita na kumpleto ang ibang pamilya."

Isinilang si John noong August 27, 1995.

Nagtatrabaho siya ngayon bilang truck driver mula Lunes hanggang Sabado.

THE BIG REVEAL

Ikinuwento ni John sa Cabinet Files na labinlimang taon siya nang sabihin ng kanyang ina na si John Regala ang tatay niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sinabi rin po ng mama ko na siya ang tatay ko. Tinanong ko si Mama kung magagalit po siya kung pupunta po ako kay Papa [John Regala].

"Ang sabi niya, okey lang sa kanya..."

Pero dahil menor de edad pa siya noon, hindi nagtagumpay si John sa plano nitong hanapin si John Regala, 55.

"Hindi ko pa po nasusubukan na puntahan si Papa dahil hindi ko alam kung nasaan siya,” ani John.

Ayon sa batang John, may nararamdaman siyang lukso ng dugo sa tuwing napapanood niya sa telebisyon at pelikula ang aktor.

Pero aminado rin si John na may kinikimkim siyang tampo.

Continue reading below ↓

“Meron po akong tampo, kasi mula pagkabata, wala siya sa tabi ko. Nag-iisang anak lang po ako. Walang ibang anak ang mama ko."

Forty-nine years old na raw ngayon ang kanyang inang si Vilma.

Kung sakaling palaring magkita sila nang personal, ano ang sasabihin ni John sa pinaniniwalaang ama?

"Kapag nagkita na lang po kami," mabilis na sagot niya.

DNA TEST

Hindi naman nagpapaapekto si John sa mga komento sa social media na gusto lamang daw niyang makilala si John Regala dahil sa mga financial help na natatanggap nito, tulad ng P100,000 na ibibigay ni Raffy Tulfo.

Saad niya, "Marami pong nagsasalita nang maganda pero marami rin ang bashers. Hindi ko po iniisip ang mga sinasabi nila.

"Gusto ko lang pong magkita at magkausap kami. Gusto ko lang makita siya nang personal, wala nang iba."

Kampanteng pahayag pa ni John, "Payag po ako sa DNA test para patunayan na anak niya ako.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, wala po akong ebidensiya na anak niya ako, pero si Mama ko at ang lola ko ang makakasagot."

Bilang patunay na matagal na ang paghahanap nila kay John Regala, ipinadala ni John sa Cabinet Files ang screenshots ng Facebook post ng kanyang Lola Victoria noong August 2016, at ang Father’s Day greeting niya sa kinikilalang ama noong June 2020.

Sa Facebook post ng lola ni John, nanawagan ito sa aktor na kilalanin ang anak nito.

Kagaya ni John Regala, miyembro rin ng Iglesia Ni Cristo si John Santos.

Continue reading below ↓

Noong June 21, 2020, binati naman ni John ng Happy Father’s Day ang pinaniniwalaan niyang ama sa pamamagitan ng isang Facebook post:

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Santos (left) says he is the biological son of actor John Regala (right): "Marami pong nagsasalita nang maganda pero marami rin ang bashers. Hindi ko po iniisip ang mga sinasabi nila. Gusto ko lang pong magkita at magkausap kami. Gusto ko lang makita siya nang personal, wala nang iba."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results