Prince Stefan, nagbalik-loob sa pamilya sa Iloilo ngayong pandemya

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2020
StarStruck alumnus Prince Stefan on going back to his roots: "Noong busy kasi ako and I was at the top of my game, I took my relatives for granted. More on friends and love life ang focus ko noon."
PHOTO/S: @stefantheroyalprince Instagram

Ang kahalagahan ng pamilya ang isa sa mga napagtanto ni Prince Stefan sa panahon ng pandemya.

Mula nang umalis siya sa Iloilo City noong 2006 para sumali sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7, naging bihira na ang pagbisita ni Prince sa bayan nila.

Nabawasan din ang komunikasyon niya sa kanyang mga kamag-anak.

"Noong busy kasi ako and I was at the top of my game, I took my relatives for granted. More on friends and love life ang focus ko noon," pagtatapat ni Prince.

"Pero nang mag-declare ng lockdown sa Luzon noong March 15 dahil sa coronavirus pandemic, umuwi ako sa hometown ko, sa Iloilo City," pagpapatuloy ng Kapuso talent.

"I was so happy to be with my family. Nag-bonding kami ng mga pamangkin ko."

APPRECIATING THE "SIMPLE THINGS"

Hindi raw masusuklian ang saya ng kapiling ang mga mahal sa buhay.

"I took them for granted before kaya sobrang sinusulit ko talaga ang oras na magkakasama kami.

Continue reading below ↓

"Feeling blessed ako dahil wala sa pamilya ko ang nagkaroon ng COVID-19.

"Na-realize ko sa panahon ng pandemic to be always grateful with the little and simple things. That life is short so we should make the most out of it and make everything right."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

REDISCOVERING HIS HOMETOWN

Nang bumalik si Prince sa Iloilo City, ang malaking pagbabago sa bayan na sinilangan ang kanyang napansin.

Hindi raw pahuhuli ang Iloilo pagdating sa ganda ng malls kaya todo ang pagmamalaki niya sa lugar na pinagmulan.

"I will always be grateful and proud that I came from Iloilo City. Very beautiful at progressive na ang bayan namin kaya natutuwa ako.

"Ibang-iba na talaga kumpara sa dati. I feel like I’m still in Metro Manila. Parang Eastwood at Greenbelt kapag nagpupunta ako sa Festive Walk dahil sa mga bagong building at business establishments.

"Siyempre, kilala rin ang Iloilo sa pagkakaroon ng masasarap na pagkain, batchoy, biscocho, at fresh seafoods.

Continue reading below ↓

"I love Iloilo, I’m proud to be Ilonggo."

Habang nasa Iloilo pa siya, ang pagbebenta ng face masks ang sideline ni Prince, dahil alam niyang matatagalan pa bago maging normal ang takbo ng local entertainment industry.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck alumnus Prince Stefan on going back to his roots: "Noong busy kasi ako and I was at the top of my game, I took my relatives for granted. More on friends and love life ang focus ko noon."
PHOTO/S: @stefantheroyalprince Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results