John Regala, hindi pinababayaan ng Iglesia Ni Cristo

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2020
Ang Iglesia Ni Cristo ang sinasabing tumutulong kay John Regala mula pa noong 2015, kahit minsan na siyang tumiwalag sa INC at umanib sa Ang Dating Daan.
PHOTO/S: Screen grab from KMJS / Liza Dino Facebook

Mismong si John Regala ang nagsabing hindi siya pinababayaan ng Iglesia Ni Cristo.

Ang INC ang kumupkop sa aktor mula nang ito ay magkasakit, at hanggang ngayon ay ito ang tumutulong sa kanya.

Kaya naman naging palaisipan sa ilang miyembro ng simbahan ang patuloy na paghingi ni John ng tulong pinansyal sa iba.

Nag-aalala ang mga nagmamalasakit na miyembro ng INC na baka isipin ng mga tao na pinababayaan si John ng Kapatiran kaya humihingi ngayon ang aktor ng ayuda sa mga pulitiko at sa mga kasamahan sa entertainment industry.

Sa tuwing mangangailangan si John ng tulong, mas gusto nitong pera ang ibibigay sa kanya, hindi ang mga gamot na kailangan para sa kanyang sakit.

Palaisipan din sa concerned INC members ang pagpunta ni John sa Pasay City noong July 27 dahil hinahanap niya ang nurse na diumano’y magtuturok ng gamot para sa kanyang gout.

Hindi raw kailangan ni John magpunta sa lugar na malayo dahil, anumang oras, puwedeng-puwede siyang magsadya sa New Era Hospital, ang ospital na pag-aari ng INC.

Continue reading below ↓

Malapit lamang ang New Era Hospital sa bahay na tinutuluyan ni John sa Quezon City, at tiyak daw na hindi siya pababayaan ng mga doktor at nurse doon.

Mapanganib pati ang ginawa ni John na pagdayo sa Pasay City dahil sa kanyang liver cirrhosis at sa banta ng COVID-19.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang makita si John ng Grab driver, na siyang nag-post sa Facebook ng mga litrato ni John na nag-viral, hinihingal at nahihilo ang aktor. Hindi na raw sana ito nangyari kung nagpunta na lamang ang aktor sa New Era Hospital.

Tumutulong ang Iglesia Ni Cristo kay John mula pa raw 2015, kahit minsan na siyang tumiwalag at umanib sa Ang Dating Daan.

Nakalagay sa unofficial INC Facebook page, Ang Pagbubunyag ng Katotohanan, ang post tungkol sa pagtalikod at muling pagbabalik ni John sa simbahan.

“Siya si Kapatid na John Regala, napaanib sa Ang Dating Daan ni Eliseo Soriano, napariwara ngunit nang makabalik sa tunay na bayan ng Dios, muling sumigla.

Continue reading below ↓

“Dati, pinipilit nila magsalita si Regala laban sa INC ngunit di natinag si Regala dahil alam ni Regala na walang masamang ginawa sa kanya ang INC at pamamahala kaya nagbalik-loob muli siya dahil alam n’ya ang katotohanan ay nasa Iglesia Ni Cristo.

"Welcome muli Kapatid na John Regala na ngayo’y muli nang Iglesia at pamamahala."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Iglesia Ni Cristo ang sinasabing tumutulong kay John Regala mula pa noong 2015, kahit minsan na siyang tumiwalag sa INC at umanib sa Ang Dating Daan.
PHOTO/S: Screen grab from KMJS / Liza Dino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results