Kumusta ang kalagayan ng high-profile Bilibid inmate na si Antonio Sanchez?

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2020
Dahil sa COVID-19-related deaths ng high-profile inmates sa New Bilibid Prison, marami ang nagtatanong sa kalagayan ni Antonio Sanchez, and dating mayor na hinatulan ng panghabang-buhay na kulong sa salang rape at murder ng dalawang UP Los Baños students.
PHOTO/S: Screen Grab from ABS-CBN

Ang pagkamatay ng high-profile inmates sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang pangunahing rason kaya may mga nagtatanong sa kalagayan ni Antonio Sanchez, ang dating alkalde ng Calauan, Laguna.

Ang official reason ng pagpanaw ng inmates ay COVID-19.

Si Sanchez ay nasa Bilibid para sa murder and rape. Ang hatol sa kanya ay habambuhay na pagkabilanggo, o seven terms ng reclusion perpetua na may 40 years per term.

Noong Marso 1995, pinagtibay ng korte na si Mayor Sanchez ang mastermind sa karumal-dumal na panggagahasa at pagpaslang kay Eileen Sarmenta at sa pagpaslang din sa kaibigan ni Eileen na si Allan Gomez.

Parehong estudyante sina Sarmenta at Gomez sa University of the Philippines Los Baños. June 28, 1993 nangyari ang krimen sa siyudad ni Sanchez na Calauan.

Ngayon ay 71 years old na ang convicted rapist-murderer at marami nang karamdaman, kaya ang mga katulad niyang may underlying health conditions ang nasa mataas na peligro sa malubhang sakit tulad ng COVID-19.

Continue reading below ↓

"May sakit naman talaga ako, may kidney failure ako at saka meron ako high blood. Marami akong maintenance, sampu sa umaga, labing-isa sa gabi,” pahayag ni Sanchez sa panayam ng ANC noong August 23, 2019.

Ito ang unang araw ng Agosto 2020, at mag-iisang taon na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balita noong August 20, 2019 na malaki ang posibilidad na palabasin ng kulungan si Sanchez.

Sinasabing kabilang siya sa libo-libong preso na dapat nang palayain sa bisa ng recomputation of good-conduct time allowances ng Republic Act No.10592.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Iginiit mismo ni Sanchez na may karapatan siyang lumaya dahil sa good behavior na ipinamalas daw niya sa loob ng piitan, at sa pagtulong daw niya sa simbahan at mga kapwa bilanggo.

Ipinagmalaki rin ni Sanchez na siya lamang daw ang nakapagpatigil ng paggamit at pagkalat ng ilegal na droga sa NBP.

Sa kaso ng panggagahasa kay Sarmenta at pagpatay kina Sarmenta at Gomez, nanindigan si Sanchez na inosente siya.

Continue reading below ↓

"Wala naman ako involvement diyan. Iyan naman ay love triangle, itinapon lang sa Calauan, 'tapos ikinarga sa akin," sabi ng dating Calauan mayor sa ANC.

"Talagang ako’y walang kasalanan, maski na lumubog itong mundo, mamatay na ang dapat mamatay kung ako ay may kasalanan,” dagdag pa ni Sanchez, na ginagamit ang mga imahe ng santo sa loob ng kanyang selda bilang patunay na wala siyang kasalanan.

Nang nagpakilala siya sa media noong Nineties, idinisplay din ni Sanchez ang kanyang bahay na tadtad ng samu't-saring religious figures at objects upang sabihing siya ay maka-Diyos.

Matindi ang pagtutol ng taumbayan sa plano ng Department of Justice (DOJ) na palayain si Sanchez kaya hindi ito natuloy palayain noong 2019.

Nitong May 7, 2020, inulit ni Secretary Menardo Jimenez ang desisyon ng DOJ na hindi pa rin makalalaya si Sanchez.

Pero sa kabila ng pahayag ng Justice secretary, mahigpit ang pagtutok at pagbabantay ng mga Pilipino na malaki ang pagpapahalaga sa hustisya.

Nagtatanong sila tungkol sa tunay na sitwasyon ng dating alkalde sa panahong pataas ang kaso ng COVID-19 sa loob ng Bilibid, at kung gagawin bang dahilan iyon para mapalabas ang isang convicted murderer at rapist.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa COVID-19-related deaths ng high-profile inmates sa New Bilibid Prison, marami ang nagtatanong sa kalagayan ni Antonio Sanchez, and dating mayor na hinatulan ng panghabang-buhay na kulong sa salang rape at murder ng dalawang UP Los Baños students.
PHOTO/S: Screen Grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results