Eat Bulaga, balik-replay dahil sa MECQ

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2020
Simula bukas, August 4, playback o replays ng Eat Bulaga! ang mapapanood dahil sa pagbabalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Playback o replays ng Eat Bulaga! ang mapapanood simula bukas, August 4, dahil sa pagbabalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Tulad nang ideklara ng ECQ noong March 15, live mapapanood via Zoom ang opening number ng Eat Bulaga! bukas, August 4.

Susundan ito ng mga playback episode ng "Bawal Judgmental," ang toprating at addicting segment ng noontime program ng TAPE Inc. at ng GMA-7.

Labing-apat na araw ang ipagtitiis ng loyal viewers ng Eat Bulaga! dahil magtatagal ang MECQ hanggang August 18, 2020.

Sa ilalim ng MECQ, bawal ang mga pampublikong sasakyan, at ang mga tao lamang na may quarantine pass ang maaaring lumabas. Hindi rin papayagang lumabas ang mga senior citizen at ang mga may edad 21 pababa.

Kaya imposibleng makapag-imbita ang Eat Bulaga! ng Choices para sa "Bawal Judgmental."

Para sa "Bawal Judgmental" fanatics, hindi welcome news na replay episodes ang mapapanood mula bukas hanggang sa August 18.

Continue reading below ↓

Ang "Bawal Judgmental" ang isa sa mga successful segment ng Eat Bulaga! dahil sa real-life stories ng Choices na kapupulutan ng mga aral na natutunghayan ng televiewers.

Malaking kontribusyon sa tagumpay ng "Bawal Judgmental" ang mga nakakaaliw na pagtatanong nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo sa invited Choices.

Nakikiiyak ang televiewers kay Paolo na madalas na lumuluha sa mga malulungkot na kuwentong naririnig niya mula sa Choices.

Lastly, gustung-gusto namin ang pagsali nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagtatanong na pagpapakita nila ng interes sa Choices.

Uulitin namin ang aming obserbasyong lalong lumakas ang chemistry ng tandem nina Alden at Maine mula nang bumalik ang live broadcast ng Eat Bulaga! noong June 8, 2020.

Sina Alden at Maine ang dalawa sa mga nakinabang nang husto sa ECQ dahil nagmumura ang kaguwapuhan at kagandahan nila sa television screen nang magbalik-Eat Bulaga! sila, dalawang buwan na ang nakalilipas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula bukas, August 4, playback o replays ng Eat Bulaga! ang mapapanood dahil sa pagbabalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results