John Regala, payag magpa-DNA test para malaman kung totoong anak niya si John Santos

by Jojo Gabinete
Aug 4, 2020
Sa pagpayag ni John Regala (kanan) na sumailalim sa DNA test, mapapatunayan na kung totoong anak nga niya si John Santos (kaliwa), na sinasabing ama niya ang aktor.
PHOTO/S: Facebook

Payag si John Regala na sumailalim sa DNA test.

Ito lamang ang tanging paraan para mapatunayan kung totoong anak niya si John Santos.

Si John Santos ang 24-year-old truck driver mula sa Tanauan City, Batangas, na lumantad noong nakaraang linggo at nagsabing estranged son siya ng may sakit na aktor.

Si Raffy Tulfo at ang programa nito ang tutulong para maisakatuparan ang DNA test sa dalawang John.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Santos noong July 31, ikinuwento niyang dating entertainer sa Japan ang kanyang ina na si Vilma Santos at nabuntis ito ni John Regala.

Lumaki siyang walang nakagisnang ama, pero sinabi ng kanyang ina na si John Regala ang ama niya.

Ngayong nasa wastong gulang na siya, ang makilala nang personal si John Regala ang dasal at pangarap ni John Santos.

Inamin ni John Regala na nagpunta siya noon sa Japan, pero itinanggi niyang nagkaroon siya ng relasyon sa isang Vilma Santos.

Continue reading below ↓

Victoria Alonzo raw ang pangalan ng kanyang dating kinakasama. Si Victoria ay nagpapadala noon ng mga babae sa Japan.

Ang nangyayari ngayon kina John Regala at John Santos ay reminiscent o nagpapaalaala sa malungkot na karanasan ng aktor noong mga huling taon ng dekada ’80.

Nakuha ni John ang simpatiya ng publiko, na naging dahilan ng pagsikat niya sa showbiz, dahil sa hayagang pagtatakwil sa kanya ni Mel Francisco.

Isang character actor si Mel na kamag-anak nina Rudy Fernandez at Robin Padilla.

Siya rin ang lalaking pinakasalan ni Ruby Regala, ang ina ni John.

Palaisipan sa lahat ang pagtatakwil ni Mel sa sariling anak dahil alam sa showbiz na mag-asawa sila ni Ruby, at si John ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Pinatotohanan ito sa PEP.ph ng veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino, isa sa mga tumulong noon sa acting career ni John.

Namatay si Mel na malaki ang tampo sa kanya si John dahil sa pagtanggi niyang mag-ama sila.

Continue reading below ↓

Sa interview kay John ng entertainment press noong June 2016, ramdam na ramdam pa rin ang sama ng loob na kinikimkim niya laban kay Mel.

Sinabi ni John sa mga reporter na malapit siya sa mga kapatid sa ama, pero hindi kay Mel na nagtakwil sa kanya.

Sa paglantad ni John Santos, history repeats itself sa kaso ni John Regala dahil ito naman ngayon ang nasa sitwasyon ng kanyang namayapang ama.

Pero may panahon pa siya para ituwid ang mga pagkakamali at pagkukulang niya kapag napatunayan sa DNA test na mag-ama talaga sila.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagpayag ni John Regala (kanan) na sumailalim sa DNA test, mapapatunayan na kung totoong anak nga niya si John Santos (kaliwa), na sinasabing ama niya ang aktor.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results