Heart Evangelista, sinagot ang return flight ng avid fan na namroblema sa Dubai

by Jojo Gabinete
Aug 5, 2020
Avid fan na si Nes Almario, pinatotohanan ang kabutihang-loob ng iniidolong si Heart Evangelista: "Maarte lang po si Miss Heart, pero mabait siya."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram / Nes Almario

"Maarte lang pero mabait."

Ganito inilarawan ni Nes Almario si Heart Evangelista, ang aktres na iniidolo niya mula pa noong 16 years old siya.

Thirty-two years old na ngayon si Nes at isa nang nurse, pero hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya kay Heart.

Malaki raw ang naitulong sa kanya ng Kapuso actress noong panahong helpless at hopeless siya.

Si Nes ang isa sa choices sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! sa huling live broadcast ng programa sa studio noong Lunes, August 3—o isang araw bago ipinatupad muli ang MECQ.

Mga artistang natulungan ang kanilang mga tagahanga ang isa sa topics sa "Bawal Judgmental," at may interesting story si Nes tungkol kay Heart.

Inalam ng Cabinet Files ang contact number ni Nes. Kagabi, August 4, nalaman namin ang buong detalye ng pagtulong ni Heart sa kanya.

Noong October 2017 ay nagkaroon ng problema si Nes sa employer niya sa Dubai.

Continue reading below ↓

Dahil sa personal na dahilan, hindi natapos ni Nes ang kontrata niya kaya kailangan niyang bayaran ang mga nagastos ng kanyang employer para makarating siya sa Dubai.

Nang mabayaran ang kanyang utang sa employer, ang pamasahe sa eroplano pabalik sa Pilipinas ang naging problema ni Nes.

HEART PAYS FOR return TICKET

Dito raw niya napatunayan ang kabutihan ng kalooban ni Heart na hiningan niya ng tulong.

Balik-tanaw ni Nes: "Ibinigay ni Miss Heart sa akin ang kanyang credit card number, at sinabi niyang ako na lang ang mag-book ng plane ticket ko.

"Alam niyo naman po si Miss Heart, parang spoiled siya, talagang hindi siya marunong mag-book. Yung staff niya ang gagawa for her.

"Gabi po ang flight ko, nag-book ako ng ticket nang afternoon kaya medyo mahal.

"Nag-Cebu Pacific po ako, tapos hindi na ako nag-avail ng in-flight meal dahil nahihiya ako na i-charge pa yun kay Miss Heart."

Continue reading below ↓

Walong oras ang travel time ng straight flight mula Dubai hanggang Manila.

Ang fee para sa kanyang plane ticket ay may halagang 23,000 pesos.

Patuloy ni Nes: "Mahigit po sa Php23,000 ang plane fare pero hindi na niya pinabayaran.

"Ang sabi niya, 'Hindi mo ako kailangan bayaran at wala kang kailangan bayaran.'

"Nang makarating ako sa Pilipinas, kinontak niya agad ako para pumunta sa bahay niya, pero shocked pa ako noon dahil first time kong mag-abroad."

STILL IN COMMUNICATION

Hindi kaagad nagkita ang dalawa, pero nakatanggap si Nes ng mga text message mula kay Heart na kinukumusta ang kanyang kalagayan.

Kinukumbinsi rin daw siya ng aktres na maghanap ng trabaho sa Kamaynilaan para maging madalas ang kanilang pagkikita.

Tiga-probinsiya si Nes.

Sabi raw ni Heart sa kanya: "Dito ka na lang sa Metro Manila mag-apply para at least, madali kang makakadalaw palagi."

Sobrang na-appreciate rdaw ni Nes ang concern sa kanya ni Heart.

Continue reading below ↓

"Hindi na nga niya pinabayaran ang plane ticket, siya pa ang madalas na nagtsa-chat at concerned. Itinatanong niya kung nakahanap na ba ako ng trabaho."

Sabi pa ni Nes, "Maarte lang po si Miss Heart, pero mabait siya. Hindi na po natin mababago ‘yon, lumaking mayaman yung tao."

Pinatotohanan ni Nes ang pagkakawanggawa ni Heart, hindi lang sa kaso niya kundi pati sa ibang fans ng aktres.

"May isa kaming kasama, nagkaroon ng kanser. Si Miss Heart din ang tumulong.

"Sabi ng doktor last year, four months na lang ang itatagal niyap, pero ngayon naka-recover na.

"Si Miss Heart ang tumutulong sa kanya."

Maging si Heart ay aminadong maarte siya, pero mabuti naman daw siyang tao.

Sa panayam niya sa May 24, 2020 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, inamin ni Heart na nagsusuot din siya ng low-end na kasuotan at accessories, taliwas sa akala ng iba na puro mamahalin ang mga isinusuot niya.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "It was me saying hindi mo dapat isipin kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa iyo.

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin, basta wala kang masamang ginagawa.

"Kumbaga, maarte ako, pero mabuti akong tao."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Avid fan na si Nes Almario, pinatotohanan ang kabutihang-loob ng iniidolong si Heart Evangelista: "Maarte lang po si Miss Heart, pero mabait siya."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram / Nes Almario
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results