Mona Louise Rey, sinita ni Ivana Alawi dahil sa "babe" tweet nito

by Jojo Gabinete
Aug 6, 2020
Nag-react si Ivana Alawi sa tweet ng younger sister na si Mona Louise Rey na “Happy 8 months satin babe.” Pagsita ni Ivana kay Mona: “D ako natutuwa sa kalokohan mo!!! Wala kang babe! Bawallll 2 years pa!!!"
PHOTO/S: Instagram

Marami ang hindi nakakaalam na younger sister ni Ivana Alawi ang dating child star na si Mona Louise Rey.

In fact, mas beteranang artista si Mona kesa kay Ivana dahil pitong taon siya nang magsimula ang kanyang acting career sa Munting Heredera, ang primetime drama series na napanood sa GMA 7 mula May 2011 hanggang February 2012.


Continue reading below ↓

Si Mona ang nagbukas ng pintuan para pumasok rin si Ivana sa showbiz sa pamamagitan ng pagsali sa Season 6 ng StarStruck noong 2015, gamit ang kanyang tunay na pangalan na Mariam Al-Alawi.

Pitong taon si Mona nang matuklasan ng mga doktor na may Type 1 diabetes siya kaya nasanay na ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na nakikitang tinuturukan niya ang sarili ng insulin.

Continue reading below ↓

Ang karamdaman ni Mona ang aming madalas na kinukumusta sa tuwing nakakausap namin siya sa mga presscon ng mga drama series na tinatampukan niya.

MONA LOUISE TURNS 16

Nasubaybayan namin ang paglaki ni Mona kaya ramdam na ramdam ang mabilis na pag-usad ng panahon.

Magdiriwang na siya ng kanyang 16th birthday sa August 19, pero pinagbabawalan pa ang teen star na tumanggap ng manliligaw o magkaroon ng boyfriend.

Lumalaking maganda si Mona, tulad ni Ivana at lumilitaw ang kapilyahan niya sa kanyang mga social media post.

Hindi ikinatuwa ni Ivana ang Twitter post ni Mona ngayong hapon, August 6—ang litrato ng dalagita na may caption na “Happy 8 months satin babe.”

Continue reading below ↓

Umiral ang pagiging ate ni Ivana dahil sa reaksyon nitong “D ako natutuwa sa kalokohan mo!!! Wala kang babe! Bawallll 2 years pa!!!

Bukod sa pagbubulgar na ilusyon lamang ni Mona ang pagkakaroon ng “babe,” inutusan ni Ivana na i-delete ng bunsong kapatid ang tweet na bunga lang ng kapilyahan nito.

Continue reading below ↓

Two years from now, ganap nang dalaga si Mona at sana, huwag silang magkaroon ng sibling rivalry ni Ivana gaya ng nangyari sa ibang mga magkakapatid na artistang babae.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-react si Ivana Alawi sa tweet ng younger sister na si Mona Louise Rey na “Happy 8 months satin babe.” Pagsita ni Ivana kay Mona: “D ako natutuwa sa kalokohan mo!!! Wala kang babe! Bawallll 2 years pa!!!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results