Descendants of the Sun at Prima Donnas, magre-resume na ng taping

by Jojo Gabinete
Aug 7, 2020
Pagkatapos ng ilang buwan, magre-resume na ng taping ang Kapuso drama series na Descendants of the Sun (kaliwa) at Prima Donnas (kanan) ngayong Agosto.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

Naghahanda na ang mga artista at production staff ng Prima Donnas at Descendants of the Sun sa resumption ng kanilang mga taping.

Ngayong hapon, August 7, opisyal na magkakaroon ng announcement ang GMA-7 tungkol sa mga fresh episodes ng Prima Donnas na malapit nang mapanood.

Ang Prima Donnas ang top-rating afternoon drama series ng Kapuso Network na nahinto ang taping at ang pagpapalabas noong March 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Bida rito ang teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo.

Ang Facebook post ni Rocco Nacino ngayong umaga tungkol sa pagpapakundisyon niya ng katawan, at ang reunion ng cast ng Descendants of the Sun, ang pruweba na magsisimula na muli ang taping ng kanilang primetime drama series.

Itinigil din ang airing ng Descendants of the Sun noong March 2020 dahil pa rin sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Plano ng Kapuso Network management na i-resume ang taping ng Descendants of the Sun sa August 31, kaya pinapayuhan ang lahat ng mga artista at production staff na mag-self quarantine sa pamamagitan ng hindi paglabas ng kani-kanilang bahay mula August 17 hanggang August 30.

Nakatakda sa August 22 ang swab testing para sa lahat ng kasali sa taping ng Descendants of the Sun.

Bago mag-pull sa location sa August 30, sasailalim sila sa rapid testing para makatiyak na COVID-19 free ang bawat isa.

Mahigpit na ipatutupad ang lock-in kaya walang puwedeng lumabas o pumunta sa ibang lugar habang kinukunan ang malalaking eksena ng Descendants of The Sun sa Binangonan at Tanay, Rizal.

Continue reading below ↓

Sisiguraduhing masusunod ang schedule ng taping mula August 31 hanggang September 8, kaya dalawang araw lamang ang inilaan na rest day para sa cast and crew.

Balak nang tapusin ang Descendants of the Sun bago magpaalam ang makasaysayan na taon ng 2020.

Bukod kay Rocco, bida rin sa teleserye sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, at Jasmine Curtis Smith.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng ilang buwan, magre-resume na ng taping ang Kapuso drama series na Descendants of the Sun (kaliwa) at Prima Donnas (kanan) ngayong Agosto.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results