Former Manila Mayor Alfredo Lim, naospital dahil sa COVID-19; nabiktima ng death hoax

by Jojo Gabinete
Aug 7, 2020
Nabiktima ng death hoax si dating Manila Mayor Alfredo Lim matapos mabalita na na-confine siya sa ospital dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from ANC

Dasal para sa paggaling ni Alfredo Lim ang hiling ng kanyang pamilya at mga supporters dahil may COVID-19 ang 90-year-old former Manila mayor.

Ang apo ni Lim na si Manila District 1 Councilor Niño dela Cruz ang isa sa mga humiling ng panalangin para sa kanyang lolo.

Mesnahe nito: "May we humbly request for prayer warriors to offer prayers of healing and speedy recovery for our beloved Mayor Alfredo Lim who is now confined in the hospital due to COVID-19."

Pero binura rin niya ang kanyang Facebook post pagkalipas ng ilang sandali.

Naging biktima rin ng death hoax ang dating mayor ng Maynila dahil kumalat sa social media ngayong hapon, August 7, ang flash report na pumanaw na raw si Lim.

Ito ang dahilan kaya naglabas ng official statement tungkol sa tunay na kalagayan ni Lim ang kanyang chief of staff na si Ric de Guzman:

"On behalf of the family of former Mayor Fred Lim, we appeal to everyone to please give us some moments of privacy as we focus on Mayor Lim’s swift recover from his current illness.

Continue reading below ↓

"We thank all those who have expressed concern and offered prayers for him and us during these trying times. Please continue praying for him as we all do.

"Mayor Lim is very much alive although he is confined in a hospital now. In fact, he’s making good progress as of this statement.

"I hope this puts to rest all misinformation that he had passed away and a stop to negative speculations about his health.It is not helping him and the family any.”

Dalawang beses naglingkod si Lim bilang alkalde ng Maynila (1992 to 1998 at 2007-2013).

Nagsilbi rin siya bilang senador ng bansa mula 2004 hanggang 2007.

Hindi lamang naglingkod si Lim bilang public servant dahil apat na beses isinalin sa pelikula ang kanyang makulay na kuwento ng buhay.

Si Rudy Fernandez ang gumanap na Alfredo Lim sa Alfredo Lim: Sa Kamay ng Ibabaw (1977); si Ramon Revilla Sr. ang bida sa Target Police General: Major General Alfredo Lim Story (1990); si Eddie Garcia si Lim sa Alfredo Lim, Batas ng Maynila (1995); at si Cesar Montano ang lead actor ng Maynila sa Alfredo S. Lim: The Untold Stories (2013).

Continue reading below ↓

Bukod sa pagsasapelikula ng kanyang buhay, naging host si Lim ng Katapat, Mayor Fred Lim, ang television crime documentary drama series ng ABS-CBN noong 1998.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabiktima ng death hoax si dating Manila Mayor Alfredo Lim matapos mabalita na na-confine siya sa ospital dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from ANC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results