Benta na rin sa Pinoy Netflix viewers ang Bollywood movies

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2020
Mula kaliwa: Dangal, The Sky is Pink, at Fashion ang ilan lang sa Bollywood films na popular ngayon sa Netflix viewers.

Hindi lamang ang Philippine at Korean movies ang umaagaw sa atensyon ng Filipino Netflix viewers.

Dumarami na rin ang mga nahuhumaling sa Bollywood o mga pelikula na gawa sa India.

Hindi nagkakalayo ang kuwento ng Tagalog films at ng Indian movies kaya tinatangkilik na rin ito ng mga Pilipino na naghahanap ng bagong putahe, bukod sa sunod-sunod na Netflix movies at series mula sa South Korea.

Nagugustuhan ng mga kababayan natin ang mga pelikula na gawa sa India dahil sa magagandang kuwento na kapupulutan ng aral at sumasalamin din sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang mga pelikulang Dangal, Secret Superstar, Mom, Taare Zaamen Par, The Sky Is Pink, Fashion, Talaash at PK ang ilan sa Indian movies na popular ngayon sa Netflix viewers.

Tulad ng Tagalog movie na Through Night and Day, may Bollywood films na luma na dahil matagal nang naipalabas sa mga sinehan pero nagiging popular sa viewers kapag ipinapalabas sa Netflix.

Continue reading below ↓

Sulit na sulit ang pakiramdam ng mga nanonood ng Indian movies na madalas na mahigit sa dalawang oras ang running time.

Hindi tinipid ang mga eksena, binibigyang-importansiya ang mga karakter sa kuwento, at may pagpapahalaga sila sa kanilang kultura.

Ang Miss World 2000 na si Priyanka Chopra ang bida sa Fashion at The Sky Is Pink.

Superstar ang kategorya ni Priyanka sa India, pero lalong nadagdagan ang star power niya nang pakasalan siya ng Hollywood celebrity na si Nick Jonas.

Nakatulong ito para tangkilikin ng Netflix viewers ang kanyang mga pelikula.

Ang Dangal na unang ipinalabas nung 2016, ang highest-grossing Indian film ever at unang pelikula ni Zaira Wasim na bida rin sa Secret Superstar at The Sky Is Pink.

Pero short-lived ang kanyang Bollywood career dahil pinili niya na maging tapat sa Islam religion.

Tinalikuran ni Wasim ang kanyang successful acting career noong June 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula kaliwa: Dangal, The Sky is Pink, at Fashion ang ilan lang sa Bollywood films na popular ngayon sa Netflix viewers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results