Mark Anthony itinangging napariwara at nilustay ang mana mula sa amang si Rudy Fernandez

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2020
Nakipag-ugnayan muli si Mark Anthony Fernandez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para linawin ang mga isyung ibinabato sa kanya ngayon: “Hindi totoo na walang kinapuntahan ang ibinigay sa akin ng erpat ko. Yung bahay, ibinigay ko sa anak ko nung makipaghiwalay ako para maging safety sila at siguradong hindi magagastos."
PHOTO/S: Facebook / Mark Anthony Fernandez

Pagdidiin ni Mark Anthony Fernandez, maayos na maayos at may direksyon ang buhay niya ngayon.

Kaya wala raw dahilan para mabahala ang mga tagahanga niya sa balitang nakikisilong na lamang siya sa bahay ng mga kaibigan.

Ang maituwid ang maling haka-haka tungkol sa kanyang personal na buhay ang puno’t dulo ng pakikipag-ugnayan muli ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa exclusive interview ng PEP kay Mark noong August 2, hindi niya inilihim na hiwalay na sila ng kanyang partner.

Nangyari ang hiwalayan noong Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, kaya raw nagdesisyon si Mark na tumuloy muna sa bahay ng isang matalik na kaibigan.

Mula sa Tarlac, kung saan nanirahan ang mag-partner, lumipat ito sa Pampanga, sa lugar ng isang kaibigan.

Naghiwalay nga kami ng misis ko. Tumakbo at nakikitira ako ngayon sa kaibigan ko dahil sa COVID-19.

“Dito sa lugar ng kaibigan ko, maganda at peaceful, kaya nandito ako. Alangan naman na tumakbo ako sa lugar na may COVID-19?

Continue reading below ↓

"Walang masama na makitira ngayong panahon ng COVID. Yun lang ang gusto kong linawin,” pahayag ni Mark.

REACTING TO A POST

Kamakailan ay may lumabas sa Instagram na nagsasabing si Mark ay walang direksyon sa buhay, napariwara, at naglustay ng namanang yaman mula sa amang si Rudy Fernandez.

At dahil wala raw amang naggagabay dito, at dahil hindi naman daw nakikinig ito sa gabay ng inang si Alma Moreno, sinayang daw ng mahusay na aktor ang kanyang buhay.

Ikinagulat at dinamdam ni Mark ang pagsulpot ng ganitong isyu.

Panimula ni Mark, “Nag-react yung isang kaibigan ko na lola. Sumama ang loob niya sa mga nabasa niya tungkol sa akin."

Ang gustong linawin ni Mark ay: “Hindi totoo na walang kinapuntahan ang ibinigay sa akin ng erpat ko.

"Yung bahay, ibinigay ko sa anak ko nung makipaghiwalay ako para maging safety sila at siguradong hindi magagastos."

Ang anak na tinutukoy ni Mark ay si Grae Fernandez, na isang Star Magic contract artist na ngayon.

Continue reading below ↓



Si Grae ay anak ni Mark sa unang asawang si Melissa Garcia, na naging ina ng isa pa nilang anak.

At ang bahay na tinutukoy ay ang bahay sa White Plains na tinirhan nina Rudy at Alma.

Paglilinaw pa ni Mark, “Kung magkano ang bahay na yun, nadoble ko na lahat yun. Nadoble ko na ang lahat na pera, hindi sa nagyayabang ako.

Continue reading below ↓

"Inaalagaan ko ang sarili ko, kaya huwag naman sanang palabasin na parang walang nangyari sa akin."

Kaya takang-taka siya sa mga isyung ibinabato sa kanya ngayon.

“Gusto kong linawin na yung pera na ibinigay ng tatay ko para gawin na puhunan, number one, ayaw na ayaw ng tatay ko na mag-business ako.

"Gusto niya, mag-artista lang ako. Maging empleyado lang ako. Naka-safety ang lahat ng mga mana ko para hindi malustay.

“Gusto ko lang linawin na yung ibinigay ng tatay ko, naka-safety ngayon. Buhay na buhay, na kay Grae.”

May sagot din si Mark sa akusasyong nagrerebelde siya at hindi nakikinig sa sinasabi ng inang si Alma Moreno.

“Nililinaw ko lang na hindi ako nagrerebelde. Bakit naman ako magrerebelde? Saan ako magrerebelde?

“'Tapos yung sinasabi na hindi ako nakikinig sa nanay ko, ang nanay ko laging supportive sa mga desisyon ko.

"Dahil alam niya na lahat ng mga sinabi ko mula’t sapul, walang mali.

Continue reading below ↓

“Lahat ng mga sinabi ko from day one, walang nagkamali, kaya kapag ako ang nagsalita sa nanay ko, alam niyang tama yun.”

Tiniyak naman ni Mark na walang dapat ipag-alala sa kalagayan niya ngayon.

Kung may gusto raw siyang hindi pa niya magawa, ito ay ang movie projects sa Viva Films na hindi pa maumpisahan ang shooting dahil sa coronavirus pandemic.

“May sampung pelikula ako na gagawin sa Viva, pero paano makakakilos kung may may COVID-19?

Ang Viva Artists Agency ang namamahala sa career ni Mark ngayon.

"Sana nga mawala na itong COVID,” ang sabi ni Mark, na positibo ang pananaw at excited sa bagong yugto ng kanyang career bilang aktor.

A REAL SHOWBIZ KID

Sikat na action star mula 1970s hanggang early 2000s ang ama ni Mark na si Rudy Fernandez.

Marami itong pelikulang tumabo sa takilya na hango sa tunay na buhay. Tinagurian pa ito noong "King of True-to-Life Stories."

Continue reading below ↓

Kahanay ni Rudy ang mga action stars ng mga panahong iyon, kabilang sina Bong Revilla, Lito Lapid, Ace Vergel, at Phillip Salvador.

Binawian ng buhay si Rudy noong June 2008 dahil sa sakit na periampullary cancer.

Si Mark ay anak ni Rudy sa dating partner na si Alma Moreno.

Unang nagkapareha sina Daboy (palayaw ni Rudy) at Ness (palayaw ni Alma) nung 1976 sa pelikulang Bitayin si Baby Ama.

Nung taon ding iyon, muli silang nagkasama sa Usigin ang Maysala at Ikaw... Ako Laban sa Mundo na parehong tumabo sa takilya.

Tinangkilik ng publiko ang pagpapareha kina Rudy at Alma, na naging tunay na magkasintahan, nagsama kalaunan, at biniyayaan ng anak na lalaki nung 1979.

Si Mark ang anak nilang iyon.

Nung taon ding iyon, nagkahiwalay sina Alma at Rudy, ngunit naghati naman sa pag-aalaga kay Mark.

Taong 1980 nang magsimula ang magandang pagtitinginan nina Rudy at ng babaeng pakakasalan nito na si Lorna Tolentino.

Continue reading below ↓

Dahil anak ng parehong malalaking artista, laging naisasama sa magazine items at showbiz news si Mark.

Kahit na pareho nang may ibang karelasyon ang kanyang mga magulang (si Rudy kay Lorna, at si Alma kay Dolphy), magkahati ang mga ito sa pagpapalaki sa kanya.

Hanggang sa pormal nang pumasok sa showbiz nung 1991 si Mark, bilang bahagi ng grupong mina-manage ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Douglas Quijano.

Kasama sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso (at kalaunan, si Jao Mapa), ipinakilala si Mark bilang "Guwapings."

Naging regular sila sa cast ng ABS-CBN comedy show na Palibhasa Lalake kasama ang talents na mina-manage rin ni Douglas, na sina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada.

Pero taong 1995, nagsolo at nakilala ang galing sa pag-arte ni Mark sa mga pelikulang Pare Ko, Mangarap Ka, at Matimbang Pa Sa Dugo.

Taong 1998 naman nang masangkot sa kontrobersiya si Mark dahil sa physical assault case nito sa isang American socialite at sa pakikipaghiwalay sa girlfriend na si Claudine Barretto.

Continue reading below ↓

Noong taong iyon, ni-repackage ng Regal Films si Mark bilang action star sa mga pelikulang Sonny Segovia: Lumakad Ka Sa Apoy at Walang Katumbas Ang Dugo.

Parehong hindi naging maganda ang performance sa box-office ng mga pelikulang ito.

Laking-gulat naman ng publiko nang noong taon ding iyon ay pumasok si Mark sa drug rehabilitation program.

Nang matapos ang kanyang drug rehab at ma-acquit sa kanyang assault case, nagbalik-showbiz si Mark nung 2000 sa pelikulang Byaheng Langit kasama si Joyce Jimenez at nung 2001 sa Dos Ekis katambal si Rica Peralejo.

Nagkaroon din siya ng TV series sa GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin (2001).

Pero nung 2003 ay muling nawala sa showbiz si Mark at sumailalim muli sa drug rehabilitation.

Taong 2005 nang ma-release siya sa drug-rehab program at muling bumalik sa showbiz.

Dahil mahusay na aktor at tunay na makisig, si Mark ay naging isa sa leading men ng mga GMA-7 series na tulad ng Impostora (2007), Ako Si Kim Sam Soon (2008), at Diva (2010).

Continue reading below ↓

Nakagawa siya ng ilan pang TV appearances sa GMA-7, at nakalabas sa ilang pinarangalang pelikula (Hesus Rebolusyonaryo ni Lav Diaz at Ma'Rosa ni Brilliante Mendoza), bago bumalik sa ABS-CBN at mapabilang sa cast ng prime-time series, FPJ's Ang Probinsiyano.

Nung nakaraang taon, kasama siya sa cast ng 2019 Metro Manila Film Festival box-office hit film na Miracle in Cell No. 7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakipag-ugnayan muli si Mark Anthony Fernandez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para linawin ang mga isyung ibinabato sa kanya ngayon: “Hindi totoo na walang kinapuntahan ang ibinigay sa akin ng erpat ko. Yung bahay, ibinigay ko sa anak ko nung makipaghiwalay ako para maging safety sila at siguradong hindi magagastos."
PHOTO/S: Facebook / Mark Anthony Fernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results