Matuloy na kaya ang 1st Miss Universe Philippines coronation night?

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2020
Age 27 na si Michele Gumabao (kanan) nang sumali sa 1st Miss Universe Philippines. Kung palaring manalo at i-represent ang Pilipinas sa Miss Universe pageant, hindi raw kasalanan nito kung, dahil sa postponements ng pageant date, lagpas na si Michele sa required age ng candidates, ayon kay Jonas Gaffud (kaliwa).
PHOTO/S: Instagram / @jonasempire.ph, @gumabaomichele

Dalawang beses nang postponed ang coronation night ng 1st Miss Universe Philippines pageant.

Pero ang latest, sa October 25, 2020 na ang petsa ng nasabing coronation night na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Magkakaroon lamang ng pagbabago sa petsa, depende sa sitwasyon ng coronavirus pandemic sa ating bansa.

“Tuloy pa rin. Well, sana umayos na tayo,” ang pahayag ni Jonas Gaffud, ang Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines, nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi, August 9, 2020.

Tuwing pagpasok ng "ber" months ginaganap ang Miss Universe pageant—September, October, November, December.

Pero dahil sa pandemya, postponed ito, at sa unang quarter na ng 2021 gaganapin ang prestihiyosong international beauty pageant.

Nang itanong namin kay Jonas kung may katotohanan ang balitang postponed na naman daw ang scheduled 2021 coronation night ng 69th Miss Universe pageant, sumagot ito na wala pa siyang balita mula sa Miss Universe Organization.

Continue reading below ↓

At least 18 years of age and under 28 years old ang requirement para sa mga kandidata ng Miss Universe.

Magkakaroon ba ng problema ang katulad ni Michele Gumabao na 27 na nang sumali sa Miss Universe Philippines? .

Magdiriwang siya ng kanyang 28th birthday sa September 2.

Continue reading below ↓

Kung palaring manalo sa Miss Universe Philippines at i-represent ang Pilipinas sa Miss Universe pageant next year, lagpas na siya sa required age.

Isa si Michele sa mga Miss Universe Philippines candidate na may stunning transformation dahil seryoso siyang makuha ang korona.

“Exempted na ang mga sumali this year dahil hindi naman nila kasalanan,” ang paliwanag ni Jonas.

Incidentally, dalawang libong facemasks ang donasyon sa Miss Universe Philippines Organization ng Miss Universe Singapore National Director na si Valerie Lim.


Continue reading below ↓

Matagal nang magkaibigan sina Jonas at Valerie, at ang donasyon ni Valerie ang naging instrumento para makapagbigay ang Aerian Essentials, isang facemask brand, ng kabuhayan sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

“We need to innovate and strategize if we want to survive. This was a daunting project but we are constantly encouraged by positive feedback.

"We also know that our intentions are appreciated by our stakeholders, and this is what keeps us going,” ang sabi ni Jonas tungkol sa desisyon nitong dalhin sa mga Pilipino ang facemask brand na binuo at dinisenyo ng fashion designer na si Albert Andrada.

Continue reading below ↓

Mula sa Singapore ang patented nanosilver fabric ng Aerian Essentials, na brainchild ni Dr. Liu Hongjun, ang world-renowned chemist na may expertise sa green technology.

Ipinagmalaki ni Jonas na breathable, comfortable, at may functional design ang Aerian Essentials na tumatagal ng apat na buwan kapag ginamit at mabisang proteksyon laban sa mga bacteria at virus.

Para sa mga interesado sa Aerian Essentials, maaaring mag-inquire sa cellphone number 09178623645.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Age 27 na si Michele Gumabao (kanan) nang sumali sa 1st Miss Universe Philippines. Kung palaring manalo at i-represent ang Pilipinas sa Miss Universe pageant, hindi raw kasalanan nito kung, dahil sa postponements ng pageant date, lagpas na si Michele sa required age ng candidates, ayon kay Jonas Gaffud (kaliwa).
PHOTO/S: Instagram / @jonasempire.ph, @gumabaomichele
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results