Kasal ni JC de Vera sa fiancée na si Rikkah Cruz, postponed muna

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2020
Napili na nina JC de Vera at Rikkah Cruz ang perfect date, ang wedding theme, at pati ang out-of-town church na pagdarausan sana ng kanilang kasal.
PHOTO/S: Instagram / @akosijcdeberat

Ang October 10, 2020 ang perfect date at ideal numbers (10-10-20) para sa church wedding ni JC De Vera at ng fiancée na si Rikkah Cruz.

Pero nagdesisyon ang dalawa na ipagpaliban na para sa ibang panahon ang kanilang pag-iisang dibdib dahil sa coronavirus pandemic.

Hindi inilihim nina JC at Rikkah ang planong magpapakasal dahil ibinahagi pa nila sa publiko noong February 2020 ang kanilang prenup photos na kuha sa historic Jones Bridge, Sta. Cruz, Manila.

Sa guesting ni JC sa Tonight With Boy Abunda noong December 2019, naging generous din siya sa pagbigay ng mga detalye tungkol sa wedding plans nila ni Rikkah.

Imbes na flower girl, gusto ni JC na maging bride din sa araw ng kasal nila ni Rikkah ang kanilang two-year-old daughter na si Lana Athena.


Continue reading below ↓

Magmamartsa raw ito sa altar kasama ang dalawang brothers-in-law niya.

“Iniisip ko na kailangan din na pakasalan kita,” ang sabi ni JC tungkol sa kanyang ideyang gawing bride ang anak sa importanteng araw sa buhay nila ni Rikkah.

Binanggit din ni JC na may napili na silang wedding theme at out-of-town church na pagdarausan ng kanilang kasal.

Pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, on hold muna ang pag-iisang dibdib nila hanggang maging normal na ang sitwasyon.

Mula nang nang maging ama si JC noong 2018, halata ang malaking pagbabago sa pagkatao niya.

Dahil hindi maipagkakaila na maligayang-maligaya siya ngayon sa piling ng kanyang mag-ina.

Nang makausap namin si JC sa presscon ng One Great Love noong December 2018, walang alinlangan ang kanyang pahayag na sina Rikkah at Lana ang mga priority niya sa buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napili na nina JC de Vera at Rikkah Cruz ang perfect date, ang wedding theme, at pati ang out-of-town church na pagdarausan sana ng kanilang kasal.
PHOTO/S: Instagram / @akosijcdeberat
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results