Diego Loyzaga, lilipat na sa Viva Artists Agency

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2020
Pagkatapos ng dalawang taon ay magbabalik sa showbiz ang aktor na si Diego Loyzaga. Nakatakda siyang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency bukas, August 12.
PHOTO/S: Instagram

Si Diego Loyzaga ang bagong contract star ng Viva Artists Agency.

Nakatakda ang online media conference para sa kanya bukas ng gabi, August 12, 6 p.m.

"We are excited to announce that Diego Loyzaga is back and he’ll be the newest addition to our growing family," ang official announcement na inilabas ng Viva Artists Agency tungkol sa paglipat ng aktor sa nabanggit na talent management agency.

Dating contract star si Diego ng Star Magic.

Ang Los Bastardos, ang afternoon drama series ng ABS-CBN ang huling TV project niya noong 2018 bago siya nagpahinga dahil sa mga personal na dahilan.

Inaasahang sasagutin ni Diego sa magaganap bukas na online media conference ang lahat ng mga katanungan tungkol sa mga plano niya sa kanyang career.

Fifteen years old si Diego nang mag-umpisa ang showbiz career niya noong 2011.

Isa siya sa mga promising dramatic actor dahil minana niya ang husay sa pag-arte ng kanyang ama, ang multi-awarded actor na si Cesar Montano, at ina na si Teresa Loyzaga.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng dalawang taon ay magbabalik sa showbiz ang aktor na si Diego Loyzaga. Nakatakda siyang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency bukas, August 12.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results