Anjo Yllana, nag-resign na sa Eat Bulaga; magkakaroon ng noontime show sa ibang network

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2020
Matapos ng 21 taon, nagpaalam na si Anjo Yllana bilang co-host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. Kung walang pagbabago, makakatapat ng Eat Bulaga ang bagong show ni Anjo sa Eagle Broadcasting Corporation. .
PHOTO/S: Facebook

May kinalaman ang bagong game show ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) sa desisyon ni Anjo Yllana na magpaalam bilang isa sa mga co-host ng Eat Bulaga.

Dalawampu’t isang taong (21) naging bahagi ng Eat Bulaga! si Anjo.

Kahapon, August 11, inihayag niya sa pamamagitan ng Facebook post ang kanyang malungkot na pag-alis sa noontime program ng TAPE Inc. at ng GMA 7.

"With a heavy heart… today Aug.11 2020…I submit mg resignation…thank you Dabarkads…thank you Eat Bulaga…21 years and it was a blast…Good Bye and all roads to your 50th,” diretso at walang paligoy-ligoy na pagpapaalam ni Anjo.

Continue reading below ↓

Handa na ang aktor para sa bagong kabanata ng kanyang TV hosting career.

Happy Time ang pamagat ng game show ni Anjo na mapapanood sa Net25, at makakasama niya rito ang comedienne na si KitKat.

Bukas, August 13, ang dry run ng Happy Time.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, sa September ang airing ng game show na makakatapat ng Eat Bulaga, ang dating programa ni Anjo sa GMA-7.

Mapapanood ang Happy Time mula Lunes hanggang Biyernes, 12 noon to 1:30 p.m.

Si JP Panizales ang direktor ng Happy Time.

Si JP ang dating direktor ng Wowowillie, ang game show ni Willie Revillame sa TV5.


Continue reading below ↓

Maganda ang training ni JP kay Willie kaya metikuloso rin siya sa pagpili ng games na mapapanood sa Happy Time.

Nagsimula ang television career ni JP sa technical department ng ABS-CBN. Sa tulong ni Johnny Manahan, nabigyan siya ng break bilang direktor dahil nakitaan siya ng potensiyal.

Bukod sa Wowowillie, si JP ang direktor ng Born To Be A Star, ang 2016 talent search show nina Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, at Yassi Pressman sa TV5, at ng ibang mga programa ng Viva Television.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ng 21 taon, nagpaalam na si Anjo Yllana bilang co-host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. Kung walang pagbabago, makakatapat ng Eat Bulaga ang bagong show ni Anjo sa Eagle Broadcasting Corporation. .
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results