Santino Rosales, anak ni Jericho Rosales, Viva artist na

by Jojo Gabinete
Aug 13, 2020
Wala pa sa plano ni Santino Rosales na maging aktor, pero pangarap niyang maging host, palawakin ang modelling career, at magkaroon ng product endorsements.
PHOTO/S: Instagram

Matapos ang mainit na pagtanggap ng Viva Artists Agency kay Diego Loyzaga kahapon, August 12, si Santino Rosales naman ang ipinakilala ngayon bilang bagong contract artist ng talent management agency ng Viva Entertainment.

Si Santino ang 20-year-old, six-footer son ng award-winning actor na si Jericho Rosales at ng former model na si Kai Palomares.

Continue reading below ↓

Seventeen years old si Santino nang sundan nito ang yapak ng kanyang ina sa modelling. Professional runway model na siya at miyembro ng Professional Models Association of the Philippines.

Player si Santino ng Kaya Futbol Club, isang professional football team sa Makati. Minana niya ang hilig ni Jericho sa surfing.

Continue reading below ↓

Kasali si Santino sa listahan ng “Meet the Guys You Should Be Crushing on This Year” ng Candy Magazine noong 2017.

May sarili na silang restaurant business ng kanyang ina, ang KAISANT Skews & Brews sa Parañaque City. Binuksan nila ito ilang buwan bago mangyari ang coronavirus pandemic

Wala pa sa plano ni Santino na maging aktor gaya ng ama. Ang gusto niya ay palawakin ang kanyang modelling career. Pangarap din niyang pumalaot sa pagho-host. At nasa pangarap din niya ang magkaroon ng mga product endorsement.

Ito ang mga dahilan kaya pumirma siya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Continue reading below ↓

Pero matutuwa si Jericho, aka Echo. Sa ngayon ay pag-aaral ang priority ni Santino, na estudyante ng Interdisciplinary Business Studies sa De La Salle University.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa sa plano ni Santino Rosales na maging aktor, pero pangarap niyang maging host, palawakin ang modelling career, at magkaroon ng product endorsements.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results