Santino Rosales, ayaw sumabak sa showbiz: "I don’t have the passion for it."

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2020
Santino Rosales (left) on dad Jericho (wearing tribal headpiece): "He always just helps me to make smart decisions and he supports me all the way."
PHOTO/S: @santino_rosales Instagram

Ang maging top model sa Pilipinas ang pangarap ni Santino Rosales.

Si Santino ang 19-year-old son ni Jericho Rosales at ng former model na si Kai Palomares.

Ipinakilala siya bilang bagong contract artist ng Viva Artists Agency nitong Biyernes ng hapon, August 14.

"I want to be one of the top models in the Philippines when the time comes," ani Santino.

Pero wala raw sa plano niyang maging artista tulad ng kanyang ama.

"Simply because I don’t have the passion for it.

"And I was always taught growing up that for everything I do, I have to have a passion for it so I can do it with the best of my abilities. That’s why I don’t wanna join showbiz," katwiran ni Santino.

Kung sakaling may acting assignment na dumating at malaking oportunidad ito para sa kanya, hindi pa rin daw siya sasabak sa showbiz.

"If this means that my career will take a big leap from the path that it’s already taking, then I don’t think I will be inclined to do it simply because I enjoy the path that I’m on.

Continue reading below ↓

"And I would like to be there every step of the way rather than just take one big step into something that I’m not really passionate about."

Aminado si Santino na siya ay "Mama's boy."

Patunay nito ay kasama ni Santino sa naganap na Zoom meeting ang kanyang ina bilang moral support.

Pero binigyan ni Kai ng kalayaan ang anak na saguting mag-isa ang lahat ng katanungan sa binata.

SUPPORTIVE PARENTS

Sa aming obserbasyon, magalang, disente, at edukado si Santino—na patunay ng mahusay na pagpapalaki sa kanya, kahit hindi magkasama ang mga magulang niya.

Kapwa malaking impluwensiya sina Jericho at Kai kay Santino dahil tinutulungan nila ang anak sa paggawa nito ng mga desisyon.

Sabi ni Santino ukol sa amang si Jericho, "He always just helps me to make smart decisions and he supports me all the way—and with my mom.

"He just tries to make sure that I enjoy what I’m doing."

Continue reading below ↓

Nang tanungin kung sino sa kanila ni Jericho ang mas gwapo, suwabeng sagot ni Santino, "Depende sa titingin."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Santino Rosales (left) on dad Jericho (wearing tribal headpiece): "He always just helps me to make smart decisions and he supports me all the way."
PHOTO/S: @santino_rosales Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results