(UPDATED) Willie Revillame, personal na ipamimigay ang cash aid sa displaced jeepney drivers

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2020
Hindi pa man natatanggap ang cash aid mula kay Willie Revillame, may grupo ng jeepney drivers ang nagpaabot na ng pasasalamat sa Tutok To Win host.
PHOTO/S: Tutok To Win / GMA-7

Kalagitnaan na ng buwan ng Agosto kaya umpisa na ng countdown sa muling pamamayagpag ng Christmas songs ni Jose Mari Chan sa September 1.

Ayaw ni Jose Mari ang bansag sa kanyang "Mr. Christmas" kahit ang mga Christmas songs niya ang pinatutugtog sa mga radio station sa unang araw ng Setyembre.

Pero sa kabila ng pagtanggi niya, para sa Pinoy, isa siya sa mga simbolo ng papalapit na Pasko.

Pero labing-anim na araw bago sumapit ang September 1, o ngayong August 14, naunahan ni Willie Revillame si Jose Mari dahil kumanta na ng Christmas song ang Tutok To Win host.

Inawit ni Willie ang "Araw-Araw Pasko" para makapagbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan, dahil may hatid na pag-asa at kapayapaan ang mga Christmas songs.

Kung si Jose Mari ang Mr. Christmas, “Santa Claus” naman ang tingin kay Willie dahil sa kanyang announcement sa Tutok To Win.

Sa darating na Miyerkules, August 19, na ibibigay ni Willie Revillame ang P5 million donation niya para sa mga jeepney driver na napilitang mamalimos para may maipakain sa kanilang mga pamilya.

Continue reading below ↓

"Yes, sa Wednesday kami magkikita ng mga presidente ng iba’t ibang jeepney driver’s association," update ni Willie nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong hapon, August 16.

"Magkikita kami sa LTFRB office dahil cash ko na ibibigay ang tulong ko sa kanila. Sa Miyerkules ang hatian nila ng pera,"

Ang limang milyong piso, na unang ibinigay ni Willie kay Malacañang Spokesperson Harry Roque noong August 7, ang pera na kanyang tinutukoy na ipamimigay niya sa Miyerkules sa mga namamasada ng mga jeepney.

Ipinaliwanag ni Willie sa Tutok To Win noong Biyernes ang kanyang plano para maiwasan na ang kalituhan na dahilan ng pagsugod ng ilang mga jeepney driver sa studio ng programa niya sa Wil Tower Mall noong August 11, 2020.

"Sa ating mga dakilang tsuper, drivers—next week, makukuha niyo na ho yung paghahati-hatian niyo na ibinigay ko.

"Makukuha na nila, e, di lahat masaya.

"Kausap namin ang LTFRB, yun pong kanilang lawyers at yung legal advisers ko. Nag-usap ho sila ngayon kung saan makukuha."

Continue reading below ↓

Masiglang pangako ni Willie, "Ako ho mismo ang magbibigay nung cash niyo at para sa grupo niyo."

Ang perang ipamamahagi ni Willie ay ang P5 million na ibinigay kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Pero padadaanin ito sa LTRFB at ibibigay sa mga presidente ng mga jeepney organization.

May mga jeepney drivers na nagpaabot agad ng kanilang pasasalamat kahit hindi pa nila natatanggap ang cash aid.

Nangako rin si Willie na mamimigay ng dalawang libong Wowowin jackets sa mga ito.

Hindi lamang ang mga jeepney driver ang tinulungan ni Willie.

Pinagkalooban din niya ng PHP100,000 each ang mga naulilang pamilya ng apat na OFW na biktima ng pagsabog sa Beirut, Lebanon—na kumitil ng maraming buhay noong August 4, 2020.

Ibinalita ni Willie na darating sa linggong ito ang mga tablet na binila niya mula sa ibang bansa. Ipapamahagi niya ito sa mga estudyanteng walang kakayahang bumili ng mga laptop computer para sa kanilang online classes.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa man natatanggap ang cash aid mula kay Willie Revillame, may grupo ng jeepney drivers ang nagpaabot na ng pasasalamat sa Tutok To Win host.
PHOTO/S: Tutok To Win / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results