Steve Dailisan, may bago nang trabaho matapos ma-lay off bilang piloto

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2020
Steve Dailisan: "Sa panahon ngayon...kailangan masipag and optimistic. Fight and win, one day at a time. Kapag naka-survive ka ng isang araw, bukas ulit."
PHOTO/S: Instagram

Nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang journey ni Steve Dailisan.

Mula noong news reporter pa siya ng GMA News, hanggang sa magbitiw siya para tuparin ang childhood dream na makapagpalipad ng eroplano, hanggang sa natanggap siyang piloto ng Cebu Pacific.

Ngunit nitong pandemya, natanggal siya sa trabaho nang magpasya ang kompanyang magbawas ng mga empleyado. Ang airline industry ang isa sa mga pinakamatinding naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Inamin ni Steve na pumasok sa isip niyang balikan ang career bilang news reporter, pero walang bakante sa GMA-7.

Hanggang sa minabuti niyang maging online seller muna ng mga karne habang naghihintay ng mapapasukan.

Ngayong Sabado ng hapon, August 15, muling nakipag-ugnayan si Steve sa PEP.ph.

Ibinalita niyang may bago na siyang trabaho sa isang airline company—bilang public affairs manager at spokesperson ng Air Asia.

Hindi man piloto ang kanyang bagong trabaho, ayon kay Steve, "I consider this a blessing and a step closer to getting back to the skies once the situation improves.

Continue reading below ↓

"Tingin ko po, inilaan ito sa akin kasi kailangan ng higit na pang-unawa sa mga sitwasyon.

"Nung reporter pa ako, mostly, transportation-aviation related ang coverages ko. Alam ko rin po ang pakiramdam ng pasahero.

"Kasagsagan ng flight training ko nang maging bahagi rin ako ng Transportation Department, kaya ramdam ko ang pulso ng mga nasa airline noong maging ganap akong piloto."

Sabi pa niya, "Although this job is not new to me except, previously, I was the one doing the interview.

"Now, I am given the huge responsibility of making sure that our passengers are well informed, their concerns are adequately addressed, and ultimately, they get to travel safe and get a comfortable all-star flying experience amid this pandemic."

Binalikan din ni Steve ang pagluha niya noong nakaraang buwan dahil sa pagkakasibak sa trabaho.

"A month ago, tears were shed, and I thought it’s already the end of my aviation career, but I figured bleak times are not always bad.

Continue reading below ↓

"Sometimes, we are just redirected to a better path. Ang stepbacks sa buhay natin are God's way of telling us na may magandang pagkakataon na naghihintay.

"Isang bagay lang po talaga ang pinanghawakan ko during the most crucial time in my professional career, at ‘yon ay ang huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magdasal."

Dahil sa pagsubok na pinagdaanan noong nakaraang buwan, nais ibahagi ni Steve sa lahat ang mga dapat gawin sa panahong nawawalan ng pag-asa ang karamihan.

"Sa panahon ngayon, kailangang ilabas lahat ng talent at energy na meron ka para makahanap ng bagong opportunity.

"Kailangan masipag and optimistic. Fight and win, one day at a time. Kapag naka-survive ka ng isang araw, bukas ulit.

“Mahirap man itong gawin kasi kakaiba ang sitwasyon ngayon, pero wag kang susuko, laban lang!"

Tuloy pa rin daw ang kanyang online business.

Sabi pa ni Steve, "Sa mga kagaya ko na nawalan ng trabaho, alam kong mahirap. Sobrang hirap ng sitwasyon, pero alam kong kakayanin natin.

Continue reading below ↓

"Ang totoo, walang choice kundi kayanin, at kapag natapos ang lahat ng ito, sigurado ako, mas matatag tayo sa anumang hamon na darating pa."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Steve Dailisan, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Steve Dailisan: "Sa panahon ngayon...kailangan masipag and optimistic. Fight and win, one day at a time. Kapag naka-survive ka ng isang araw, bukas ulit."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results