Steve Dailisan, humihingi ng dasal para sa ama niyang na-coma

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2020
Mensahe ni Steve Dailisan sa kanyang amang si Sancho Dailisan: "Fight tayo, Daddy Sancho. Ililipad pa kita. You need to fight!"
PHOTO/S: Instagram

"Babangon pa lang ako, may bagong challenge po ulit."

Ito ang sambit ng former GMA News reporter na si Steve Dailisan, na humihiling ng dasal para sa paggaling ng kanyang 70-year-old father na si Sancho Dailisan.

Kasaluluyang naka-confine ang ama ni Steve sa Qualimed Hospital, San Jose del Monte City, Bulacan.

"Nag-complain po siya ng lower back pain noong Friday, nilagnat, tapos nawala.

"Yesterday ng early morning, hindi na po niya kami ma-recognize. Isinugod namin siya sa hospital.

"Tapos kanina, biglang wala na siya sa sensorium. Until the doctors say na he is in coma now.

"Sana po, maka-recover ang daddy,” lahad ni Steve nang makapanayam ng Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, August 17.

Ang "sensorium," ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ay "the parts of the brain or the mind concerned with the reception and interpretation of sensory stimuli."

Sa madaling salita, ito ang buong sensory apparatus ng isang tao.

Continue reading below ↓

Hindi pa raw natutupad ni Steve ang pangako sa kanyang ama na magiging pasahero ito ng eroplanong paliliparin niya.

"Kung hindi po nangyari ang pandemic, baka nagawa ko na.

"Pero ang plano ko, pagkatapos ng pandemic, ipapasyal ko sila ulit, dahil noong nasa GMA-7 pa ako, every year ko sila ipinapasyal.

"Naipasyal ko na sina Daddy sa Japan, Hong Kong, Bohol, Boracay, etc. Treat ko yun sa birthday niya every June.

"Nung last birthday ni Daddy, nag-promise ako na ipapasyal ko siya, kaso nangyari ang COVID-19 pandemic."

May mahalagang mensahe si Steve para sa kanyang na-comatose na ama: "Fight tayo, Daddy Sancho. Ililipad pa kita. You need to fight!"

Postscript: Nawalan ng trabaho si Steve noong nakaraang buwan dahil natanggal siya bilang piloto ng Cebu Pacific, kaya sinubukan muna niyang maging online seller ng karne.

Just recently, kinuha si Steve ng isang airline company bilang spokesperson.

Ito ang tinutukoy niyang bumabangon pa lamang siya mula sa pagiging jobless pero may bago nang pagsubok—ang pagkakasakit ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mensahe ni Steve Dailisan sa kanyang amang si Sancho Dailisan: "Fight tayo, Daddy Sancho. Ililipad pa kita. You need to fight!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results