Xian Lim, parehong may "nakaraan" kina Alex Gonzaga at Kylie Verzosa

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2020
Ilang taon bago sila nagkasama-sama sa Netflix movie na Love The Way U Lie, nagtagpo na ang mga landas nina Xian Lim, Alex Gonzaga, at Kylie Verzosa.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Marami ang nag-aabang sa Netflix streaming ng Pinoy film na Love The Way U Lie sa August 20.

Ito ay dahil sa word of mouth na highly entertaining ang pelikulang tinatampukan nina Xian Lim, Kylie Verzosa, at Alex Gonzaga.

Ayon sa mga una nang nakapanood sa Love The Way U Lie, isa ito sa mga pinakamagandang pelikulang ginawa ni Xian.

Parehong may trivia si Xian tungkol kina Alex at Kylie, ang co-stars niya sa pelikulang official entry sa hindi natuloy na Metro Manila Summer Film Festival noong April 2020.

Hindi nakakalimutan ni Xian na siya ang love interest ni Alex sa My Girl, ang 2008 primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Kim Chiu.

Ang My Girl ang kauna-unahang TV appearance ni Xian. Sa huling episode ng Kapamilya teleserye, napanood siya sa isang cameo role bilang kapareha ni Alex.

Walang kamalay-malay si Xian na makalipas ang sampung taon, magiging girlfriend niya si Kim. At pagkatapos ng labindalawang taon, magtatambal sila ni Alex sa isang pelikula.

Continue reading below ↓

Hindi rin nakalilimutan ni Xian na naging bahagi siya ng importanteng kabanata sa buhay ni Kylie.

Si Xian ang host ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2016, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong April 17, 2016.

Natatandaan ni Xian na siya ang nag-announce sa pangalan ni Kylie bilang isa sa mga semifinalist.

Si Kylie ang nanalo ng Bb. Pilipinas-International 2016 crown at ng Miss International 2016 title.

Naging daan ito para pumasok siya sa showbiz.

Paglalarawan ni Xian sa kanyang dalawang leading ladies, "First time namin ni Kylie na magkasama onscreen. But when she joined Binibining Pilipinas, I was the host.

"Iba rin ang energy ni Kylie, very sophisticated and beauty-queen like.

"Si Alex, makulit talaga na nilalang. Walang dull moment, masaya siyang kasama."

Sinabi ito ni Xian sa panayam sa kanya, via Zoom, ng Anong Ganap ng PBO Channel.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang taon bago sila nagkasama-sama sa Netflix movie na Love The Way U Lie, nagtagpo na ang mga landas nina Xian Lim, Alex Gonzaga, at Kylie Verzosa.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results