Ama ni Steve Dailisan, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2020
Isang malungkot na balita ang hatid ng dating GMA News reporter na si Steven Dailisan (kaliwa) dahil pumanaw na ang kanyang amang si Sancho Dailisan (kanang larawan) ngayong Lunes ng gabi, August 17.
PHOTO/S: Instagram

Hindi na matutupad ang pangarap ni Steve Dailisan na maging pasahero sa eroplanong pinalilipad niya ang kanyang 70-year-old father na si Sancho Dailisan.

Binawian ng buhay ang ama ng dating GMA News reporter nitong Lunes, August 17, 6 p.m., sa isang ospital sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ang ikinamatay ng ama ni Steve, ayon sa mga doktor, ay "cardiogenic shock secondary to gastro intestinal bleeding (and possible cerebral hemorrhage) as manifested by acute kidney injury and minor pneumonia (viral vs bacterial)."

Ngayong hapon ay iniulat ng Cabinet Files na na-comatose si Mang Sancho. Pagkalipas lamang ng ilang oras ay binawian na ito ng buhay.

Wala si Steve sa tabi ng kanyang tatay nang mamatay ito dahil nag-report siya sa bagong kompanyang pinapasukan niya.

"Kinailangan ko po pumasok today kasi ako rin po ang magbabayad ng ospital. Alam niyo naman po na nagsisimula pa lang akong bumangon," sabi ni Steve sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Ilang buwan bago siya tanggapin sa kanyang bagong trabaho, kabilang si Steve sa mga natanggal na empleyado ng Cebu Pacific, kung saan siya nagtrabaho bilang piloto.

Papauwi na raw si Steve nang pumanaw ang kanyang tatay.

"Ako kasi ang kinakausap ng doctors regarding his condition," aniya.

Nakadagdag sa bigat ng kalooban ni Steve ang pangako sa sarili na siya ang magiging piloto ng eroplanong sasakyan ng tatay niya kapag umuwi ito sa bayan nito sa Aklan. Pero hindi na ito mangyayari kailanman.

Bahagi ng emosyunal na Facebook post ni Steve ngayong gabi, "I was looking forward to take you inside the real cockpit one day... I could’ve been the happiest if I was given the chance to pilot your flight to your hometown in Aklan.

"But what can I say Dad? You went ahead to your dream destination in the loving arms of God.

"Never thought that I’d be writing something so excruciatingly painful in my wall."

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang malungkot na balita ang hatid ng dating GMA News reporter na si Steven Dailisan (kaliwa) dahil pumanaw na ang kanyang amang si Sancho Dailisan (kanang larawan) ngayong Lunes ng gabi, August 17.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results