Dindi Gallardo, tagos sa puso at dekalidad ang cooking vlogs

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2020
Dindi Gallardo talks about her personal experiences in her cooking vlogs. She says, " "I am not a writer, I’m not. I have good stories, but I realize that when I start to write from my heart space, the words come out so simple and really authentic."
PHOTO/S: Dindi Gallardo Facebook / Youtube

Agaw-pansin ang Table Talk With Dindi Gallardo, ang YouTube channel ng former beauty queen na si Dindi Gallardo.

Si Dindi ay nanalong Bb. Pilipinas-Universe noong 1993, kung saan kinoronahan namang Bb. Pilipinas World si Ruffa Gutierrez,

Pagkatapos nito ay sumabak si Dindi sa showbiz at nakilalang leading lady sa iba't ibang pelikula noong '90s.

Nakatambal niya si Fernando Poe Jr. sa Ang Probinsyano (1997), si Jay Manalo sa Totoy Mola (1997), at si Roderick Paulate sa Bala at Lipstick (1994).

Back to the present, bumubuo si Dindi ng mga video na tagos sa puso ang mensahe.

Kakaiba ang kanyang videos dahil nagkukuwento siya habang nagluluto ng mga pagkaing may malaking bahagi sa buhay at pagkatao niya.

Si Dindi ang director at narrator ng mga video, na lalong kaaya-aya dahil sa ganda ng composition ng shots ng mga sangkap na ginagamit niya sa kanyang recipes.

DINDI PRAISED BY JAMES DEAKIN

Hinanap at ininterbyu siya ng Filipino-British television host na si James Deakin, na bilib na bilib sa cooking vlogs ni Dindi.

Continue reading below ↓

"We’ve never met. We have never even spoken to each other. Yet after I found myself binge-watching her cooking vlogs, I felt I knew her well.

"I couldn’t explain it at first. It took me about six episodes to figure it out. Then it hit me—authenticity," paglalarawan ni James sa video content ni Dindi.

Hindi nag-iisa si James dahil ganito rin ang naramdaman ng ibang viewers matapos panoorin ang vlog ng aktres.

Si Dindi ang special guest ni James sa online show nitong Back On The Road noong August 21, 2020.

Dito ikinuwento ng dating aktres na nagsimula ang kanyang vlogs pagbalik niya ng Maynila mula sa U.S.

Halos dalawang dekadang nanirahan si Dindi sa New York, kunsaan nagtrabaho siya bilang "right hand" ng isang artist-director na gumagawa ng commercials para sa "big brands."

TINKERING WITH AN OLD CAMERA

Sa panayam pa rin ni Deakin, sinabi ni Dindi na dahil sa exposure niya sa kanyang trabaho ay natuto siya ng "basics" ng cinematography.

Continue reading below ↓

"One day, after cleaning out my flat in New York and giving away a lot of my equipment—because I moved back to Manila thinking I will never make a short film or do something.

"I was recently in the States and I came home with just a camera that’s like really old, vintage lens.

"And when lockdown started, I had just so much going on. I had vertigo and I was just really on this bean bag for, like, half of the day.

"And it just dawned on me that I’m just gonna start tinkering around my camera, shooting, writing stories..."

Hanggang sa nakabuo na raw siya ng content para sa kanyang vlogs.

"I just really got in there and one day just started doing it. I knew I wanted to start something, and I want it to be authentic definitely."

Dagdag pa ni Dindin, "I am not a writer, I’m not.

Continue reading below ↓

"I have good stories, but I realize that when I start to write from my heart space, the words come out so simple and really authentic.

"It’s amazing how surrendered I am with this process of creating."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dindi Gallardo talks about her personal experiences in her cooking vlogs. She says, " "I am not a writer, I’m not. I have good stories, but I realize that when I start to write from my heart space, the words come out so simple and really authentic."
PHOTO/S: Dindi Gallardo Facebook / Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results