Ted Failon lilipat sa Radyo5; DZMM's Red Alert goes off-air

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2020
Nagpaalam na sa ere ang Red Alert at ang mga hosts nitong sina (L-R) Ted Esguerra, Jeff Canoy, at Mahar Lagmay. Si Ted Failon (R) naman, may green light na raw sa paglipat sa Radyo5.
PHOTO/S: @maharlagmay @_djchacha on Instagram

Inaasahan ang pamamaalam ni Ted Failon sa DZMM.

Ang unang lumabas na balita sa PEP Troika ay sa DZRH ito lilipat.

Pero ayon ngayon sa dalawang sources—yung isa ay nagtatrabaho sa TV5 at yung isa ay katrabaho ni Ted sa ABS-CBN—binigyan na raw ng green light ang programa ng batikang broadcaster sa radio station ng Kapatid network.

Reportedly, isasama ni Ted sa bagong radio program nito sa Radyo5 ang staff ng Failon Ngayon, ang kanyang radio show sa DZMM.

Halos 11 taong umere sa radyo ang Failon Ngayon, na nagsimula bilang weekly radio program. Umangat ito, at nag-take over ng 8 a.m. to 10 a.m. time slot weekdays noong September 2011.

Samantala, hindi nakaligtas sa disaster na hatid ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN ang Red Alert (Response In Emergencies and Disasters ), ang Sunday radio program nina Jeff Canoy, Ted Esguerra, at Mahar Lagmay sa DZMM.

Nagpasalamat ang tatlo sa lahat ng mga tumangkilik sa kanilang programa, na nagpaalam sa ere nitong Linggo ng umaga, August 23, 2020.

Continue reading below ↓

Bahagi ng caption sa post ni Jeff ay: "My Sundays will feel a little bit emptier. Really sad to see #RedAlertSaDZMM go. Our final episode airs today.

"I’ve learned so much about disaster management, public safety and health in the last three years. And I hope you did too.

"But what I’ll miss the most about the show are the weekly chats with Prof @maharlagmay and Doc @tedeverestdoc. It’s been a honor serving the public with these real-life heroes. Their passion to save lives and making the Filipino more prepared to face both the expected and unexpected is something I will try to carry with me."

Continue reading below ↓

Pitong taon na napakinggan sa DZMM ang Red Alert, kung saan naging bahagi rin si Atom Araullo bago ito lumipat sa GMA-7 noong September 2017.

Isa-isa nang nawawala sa ere ang mga programa at tuluyan nang nagkawatak-watak ang mga magkakapamilya sa DZMM mula nang ipagkait ng Kongreso sa ABS-CBN ang franchise nito noong July 10, 2020.

Ito ay matapos gawing panata ng Pangulo Rodrigo Duterte na hinding-hindi mabibigyan ng bagong prangkisa ang Lopez-owned ABS-CBN.

Nauna nang umalis sa DZMM ang tandem nina Anthony Taberna at Gerry Baja, na magkasamang lumipat sa DZRH para sa kanilang radio program na mag-uumpisa sa August 31.

Nagpaalam na rin kahapon, August 22, sa DZMM listeners niya ang broadcaster na si Vic De Leon Lima, na lilipat naman sa DWIZ.

Santos at Lima ang pamagat ng bagong radio program ni Lima sa DWIZ, at makakasama niya ang former ABS-CBN news anchor na si Alex Santos.

Mapapakinggan ang Santos at Lima sa DWIZ simula sa August 31, alas sais hanggang alas otso ng umaga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaalam na sa ere ang Red Alert at ang mga hosts nitong sina (L-R) Ted Esguerra, Jeff Canoy, at Mahar Lagmay. Si Ted Failon (R) naman, may green light na raw sa paglipat sa Radyo5.
PHOTO/S: @maharlagmay @_djchacha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results