Ella Cruz na-retrieve na ang Facebook page with 4.2M followers

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2020
Memorable ang August 17, 2020 para kay Ella Cruz dahil ito ang birthday niya, at ito rin ang araw na na-hack ang Facebook niyang may 4.2M followers.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

Memorable para kay Ella Cruz ang August 17, 2020.

Bukod kasi sa 24th birthday niya ito, sa araw ring ito na-hack ang Facebook page niyang may 4.2 million followers.

Mabuti na lang, sandali lamang ang lungkot na naramdaman ni Ella dahil na-retrieve nito ang kanyang account.

Pero, nabura ang karamihan sa mga posts niya.

"Nakakalungkot man na halos lahat ng posts ko ay nawala, pero ita-try pa rin natin na ma-recover lahat. Ang mahalaga, nandito na ulit,” ang mensaheng ipinarating ni Ella sa kanyang milyun-milyong followers sa Facebook.

SIMPLE BIRTHDAY CELEBRATION

Dahil sa coronavirus pandemic, simple lamang ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Ella.

Masayang-masaya ang Viva artist dahil may nagregalo sa kanya ng dream cat niya.

"Masaya po ako dahil kasama ko noong birthday ko ang lahat ng mga tao na mahal ko, at may nagbigay ng dream cat ko,” ang kuwento ni Ella sa Cabinet Files noong August 20, 2020.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng pagiging masaya noong kaarawan niya, hindi maiwasan ni Ella na hindi malumbay nang magbago ang pamumuhay ng lahat dahil sa coronavirus pandemic.

"Nakakalungkot kasi nakaka-miss ang mga usual na ginagawa ko, like, pagpunta sa mall, going out with friends, taping, at working."

But looking at the bright side, may magandang dulot naman ang quarantine sa kanya.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, "Pero mas lalo po na napalapit ako sa pamilya ko dahil kumpleto po kami sa bahay.

"Mas nagiging creative rin ako ngayon.”

Kabilang si Ella sa Top 10 TikTok Influencers sa Pilipinas.

At ngayong may pandemya, hindi siya nauubusan ng mga idea dahil sa kanyang kagustuhang makapagbigay ng inspirasyon at kasiyahan sa lahat.

“Thankful ako dahil marami rin ang sumusuporta sa akin sa Tiktok, at nagugustuhan nila ang mga ginagawa ko.

"Enjoy ako sa TikTok kaya hindi ako nauubusan ng ideas. May matututunan din po sa TikTok videos ko.

Continue reading below ↓

"Kailangan, enjoy at good vibes lang kapag nagti-TikTok,” ang pahayag ni Ella, na may 3.7 million followers at 12.4 million likes sa video-sharing app.

Ginamit din ni Ella ang pagiging social media influencer sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo sa kanyang mahigit Facebook fans at 1.5 million subscribers sa YouTube na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

"Maraming nakaka-experience ng hindi maganda ngayon. Magtiwala lang tayo at, siyempre, kung kaya natin, kahit sa simpleng mga bagay, tulungan natin ang isa’t isa at ang sarili natin," saad niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Memorable ang August 17, 2020 para kay Ella Cruz dahil ito ang birthday niya, at ito rin ang araw na na-hack ang Facebook niyang may 4.2M followers.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results