Pamimigay ng pera ng TV at online shows, panghatak ng viewers ngayong pandemic

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2020
(From left) Wilie Revillame, Jessica Soho, Raffy Tulfo, and Vice Ganda

Binago ng coronavirus pandemic ang TV landscape dahil dati-rati, ang mga game shows lang ang namimigay ng pera sa studio audience at televiewers.

Nang magkaroon ng pandemya, ang pamamahagi na rin ng pera ang ginamit ng mga online, magazine, at public service show para mahikayat ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga programa.

Marami sa mga Pilipino ang nawalan ng trabaho, nakararanas ng hirap at gutom dahil sa COVID-19 pandemic kaya malaking tulong sa kanila ang mga pera na ipinamumudmod ng iba’t ibang mga programa.

Bago pa naghatid ng perwisyo ang COVID-19, dati nang namimigay si Willie Revillame ng pera sa studio audience ng Wowowin.

Isang buwan nagpahinga ang Wowowin dahil sa idineklara na enhanced community quarantine sa Luzon.

Inabot si Willie ng ECQ sa kanyang private resort sa Puerto Galera, pero ipinagpatuloy niya ang pamimigay ng pera sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang online show, ang Tutok To Win.

Continue reading below ↓

Nang pabalikin si Willie ng GMA-7 management sa Metro Manila noong April 2020 para i-resume ang kanyang programa, hindi siya huminto sa pamamahagi ng pera.

Ito kasi ang kailangang-kailangan ngayon ng mga tao kaya nagtuloy-tuloy ang Tutok To Win.

Hindi nagpahuli ang magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho dahil noong June 28, inilunsad ng programa ang "Ka-Selfie Mo Jessica Soho" online selfie contest.

Linggo-linggo, sampu ang pipiliing mananalo ng limang-libong piso bawat isa, sa mga magpapadala ng kanilang selfie photo sa Facebook page ng KMJS habang pinapanood nila ang programa ni Jessica.

Hindi nagpahuli si Raffy Tulfo dahil, tulad ni Willie, limpak-limpak na salapi rin ang kanyang ipinamimigay sa viewers ng Idol in Action, ang public service program niya sa TV5 na nag-umpisa noong June 8, 2020.

Tumatanggap ng financial help ang mga lucky winner sa mga barangay na pinupuntahan nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Pero nahinto ito dahil sa coronavirus pandemic.

Kahit ang "Bawal Judgmental" ang pansamantalang napapanood sa Eat Bulaga, hindi tumigil ang programa sa pamimigay ng pera sa mapapalad na manonood.

Cash prizes din ang panghimok ni Vice Ganda para panoorin ng publiko ang kanyang digital show, ang Vice Ganda Network.

Malalaking premyo ang naghihintay sa viewers na masuwerteng makakasali sa Prize Ganda, ang Online Palarong Pang-Madla ng online show ni Vice.

Ang pamamahagi ng pera ang mabisang instrumento ngayon para panoorin ng mga tao ang mga TV show dahil dito na iniaasa ng ating mga kapus-palad na kababayan ang kanilang kabuhayan at kapalaran na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Wilie Revillame, Jessica Soho, Raffy Tulfo, and Vice Ganda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results