Raffy Tulfo, may koleksiyon ng 200 branded sneakers; P200,000-plus ang pinakamahal

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2020
Mahigit isang taon nang nangongolekta ng branded sneakers ang veteran broadcaster na si Raffy Tulfo. Pag-amin niya sa Cabinet Files, meron siyang Gucci, Versace, Balenciaga, Givenchy, Louis Vuitton, Christian Louboutin, Dolce & Gabbana, at Jimmy Choo.
PHOTO/S: Instagram

Umabot na sa mahigit 200 ang koleksiyon ng branded shoes ng Kapatid broadcaster na si Raffy Tulfo.

Mayroon siyang sneaker collection mula Gucci, Versace, Balenciaga, Givenchy, Louis Vuitton, Christian Louboutin, Dolce & Gabbana, at Jimmy Choo.

Sa panayam kay Raffy ng Cabinet Files, hindi niya ipinagkailang ang kanyang Jimmy Choo diamond-encrusted shoes ang pinakamahal.

Continue reading below ↓

"My most expensive pair of shoes is yung Jimmy Choo, which costs mga P200,000-plus,” sabi ni Raffy.

Natutuwa ang broadcaster dahil napapansin ng publiko ang kanyang branded shoes, na nakahiligan niyang gawing koleksyon mahigit isang taon na ang nakararaan.

Pero ang Balenciaga shoes—na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P48,000—ang paboritong gamitin ni Raffy dahil kumportable raw sa paa.

Continue reading below ↓

Lahad ni Raffy, "I've been collecting shoes for more than a year. As of now, e, meron akong 200 pairs and counting. And my fave shoes is Balenciaga shoes kasi I feel comfortable."

Parang mga anak daw ang trato ni Raffy sa mga sapatos na inaalagaan niyang mabuti at tinatakpan ng malaking tela para hindi kapitan ng alikabok.

At ang pinakamalaking rebelasyon ni Raffy?

Nagpapagawa siya ng bahay na may pitong kuwarto sa Scout area sa Quezon City, at nakalaan lamang para sa shoe collection nito ang isang buong kuwarto roon.

Sa tuwing namamahagi siya ng tulong sa iba’t ibang lugar, ang mga sapatos na suot ni Raffy ang isa sa mga napupuna ng mga taong kanyang nakakasalamuha.

Noong nakaraang Huwebes, August 6, pinangunahan ni Raffy ang pamimigay ng ayuda sa mga jeepney driver, na hindi pa natutulungan ng gobyerno at naging dahilan para mamalimos sila sa kalye.

Nakipag-ugnayan si Raffy kay LTFRB Division Chief Nida Quibic at kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao para mabigyan agad ng aksyon ang malaking problema ng jeepney drivers na gustong kitain ang pera, hindi mamalimos nito, pero hindi napapayagan dahil sa enforced quarantine.

Continue reading below ↓

Nangako si Raffy na padadalhan nito ng sako-sakong bigas, groceries, at mga gulay ang jeepney drivers habang inaayos ng mga nabanggit na government agency ang Special Amelioration Program na nakalaan para sa kanila.

Tinulungan din ni Raffy ang mga kababayan natin sa Eastern Samar na sinalanta ng bagyong Ambo noong May 2020.

Isang milyong piso mula sa sariling bulsa ni Raffy ang ibinigay niyang donasyon kay Eastern Samar House Representative Maria Fe Abunda, ang kapatid ng TV host na si Boy Abunda.

Para sa mga tagasuporta ni Raffy, karapatan daw nitong maging masaya, at balewala raw ang nagagastos nito sa koleksiyon ng branded sneakers kung ikukumpara sa daan-daang Pilipinong natutulungan ng kanyang public service program sa radyo at telebisyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Raffy Tulfo, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigit isang taon nang nangongolekta ng branded sneakers ang veteran broadcaster na si Raffy Tulfo. Pag-amin niya sa Cabinet Files, meron siyang Gucci, Versace, Balenciaga, Givenchy, Louis Vuitton, Christian Louboutin, Dolce & Gabbana, at Jimmy Choo.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results