Pauleen Luna nanindigang maling puntiryahin ng batikos ang inosenteng bata

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2020
Pauleen Luna: "For me, sharing Tali with people gives me and gives them so much joy. And I think mas nangingibabaw ‘yon than the bad and the not-so-good comments."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

Naging bukas si Pauleen Luna sa isyu ng magulang na may anak na biktima ng online bashing.

Ito ang isa sa mga itinanong sa kanya sa virtual presscon ng Chika, BESH, ang morning talk show nila nina Pokwang at Ria Atayde, na napapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m.

"Ang hirap pag nanay tapos anak… It’s one thing to say your opinion which is totally fine; but it’s another thing to bash an innocent child," saad ni Pauleen sa isyu.

"There are people who support me na, 'Sige lang, ipaglaban mo ‘yan dahil anak mo ‘yan.'

"Pero there also some people na naririnig ko na sinasabi, 'Huwag mong i-expose yung anak mo kung ayaw mong makarinig ka ng hindi masyadong magagandang bagay.'"

Noon lamang nakaraang linggo ay naging biktima ng panghuhusga si Tali, ang two-year-old daughter nina Pauleen at Vic Sotto.

Inalmahan iyon ni Pauleen.

Diretsahan pero kalmado si Pauleen nang padalhan niya ng personal message ang basher ng anak.

Continue reading below ↓

Base sa screenshots ng usapan nilang kumalat sa Internet, sinabi ni Pauleen na maaari niyang idemanda ang basher sa pambu-bully nito sa isang menor de edad sa social media.

Kinalaunan, nag-sorry ang basher sa pamilya ni Pauleen, sa fans ng pamilya Sotto, at sa lahat ng mga magulang na nasaktan niya dahil sa isyu.

PAULEEN TO CONTINUE SHARING PHOTOS OF BABY TALI

Sa kabila nito, naniniwala si Pauleen na walang dahilan para ipagkait niya sa publiko ang sayang idinudulot ni Tali sa buhay nila ni Vic.

Hindi lang daw niya talaga palalampasin ang sinumang makakasakit sa kanyang anak.

"But for me, sharing Tali with people gives me and gives them so much joy.

"And I think mas nangingibabaw ‘yon than the bad and the not-so-good comments.

"Because at the end of the day, why do I share my daughter? It’s because I’m proud of her.

"Not for anything else, pero proud na proud lang ako sa anak ko. She’s my daughter, she’ll always be perfect to me, she’ll always be beautiful to me.

Continue reading below ↓

"Pero minsan, may hangganan."

POKWANG DEFENDS PAULEEN AND BABY TALI

Sinegundahan ni Pokwang si Pauleen, at sinabing maling i-bully ang inosenteng bata.

"Every child is a blessing. Dumaan tayo lahat sa pagiging bata. Lahat tayo minahal, pinrotektahan ng mga nanay natin," saad ni Pokwang.

"So please, alamin niyo ang pakiramdam ng isang magulang kapag ang anak niya ay na-bully. Alamin niyo 'yon, ilagay niyo ang lugar niyo doon."

Dapat daw ay matutong rumespeto ang tao sa karapatan ng menor de edad na siya'y maprotektahan.

Depensa pa rin ni Pokwang kay Pauleen at anak nito: "Huwag nating iaano ang bata. Anghel iyan.

"Again, dumaan tayo lahat sa ganyang edad at darating ang araw, magiging magulang ka rin, mararamdaman mo ‘to, so please lang."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna: "For me, sharing Tali with people gives me and gives them so much joy. And I think mas nangingibabaw ‘yon than the bad and the not-so-good comments."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results