Jessy Mendiola at Luis Manzano, gustong magpatayo ng beachfront house

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2020
Jessy Mendiola on relationship with boyfriend Luis Manzano: "Four years na kami and, feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together."
PHOTO/S: Instagram

Marami ang nag-akalang malapit nang magpakasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Ito ay dahil sa sagot ng actress-TV host nang tanungin tungkol sa beachfront house na pinaplano nilang ipatayo.

"Feeling ko, months na lang. Naku, parang marami na yata akong nasasabi!

"Marami na kaming naka-plan, pero yun nga, gusto lang naming unti-untiin.

"And, of course, maraming nagaganap, gusto naming palipasin ang pandemic na 'to.

"But everything is clear for us. Ito lang muna ang sasabihin ko, malalaman niyo naman lahat,” sagot ni Jessy sa tanong sa kanya ng entertainment columnist na si Allan Diones.

Nakausap ng entertainmet press si Jessy sa Tuesday afternoon, August 25, sa joint virtual media conference ng Fit For Life at ng Chika, BESH, ang mga bagong programa ng TV5.

Muling paglilinaw ni Jessy, "Months na lang, matagal na yung pangarap naming may house sa beach.

"May plans na kami, as in literal plans and all."

Continue reading below ↓

WILL LUIS MARRY JESSY?

Nagpaliwanag din si Jessy tungkol sa heart-to-heart talk video nila ni Luis dahil inamin niya rito ang pagdududa kung pakakasalan siya ng kanyang boyfriend.

Saad niya, "Maraming mga beses na ang isang relationship, maraming pinagdadaanan, so hindi lang naman about that.

"Alam niyo naman, di ba, minsan, tayo, sa isang relationship, may mga trust issues tayo, may mga napagdaanan tayo noon na hindi madaling makalimutan and maka-move on.

"But slowly, as you go on with your relationship, marami kang natututunan and naghi-heal ka rin."

Nilinaw ni Jessy na nalampasan na nila ni Luis ang mga isyung tinalakay nila sa kanilang vlog.

"Dun sa heart-to-heart na ‘yon with Luis, yung pagsagot namin doon, 'yon yung mga first few years namin together.

"Kaya naging casual na lang siya kasi we got over it.

"Kumbaga, isa siyang dagok sa relationship namin na napagdaanan namin nang maayos.

"Maraming doubts, maraming hesitations noon. Pero now, we are very strong.

Continue reading below ↓

"Four years na kami and, feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together."

THE PROMISE RING

Nagsalita rin si Jessy tungkol sa promise ring na ibinigay sa kanya ni Luis, at ang malalim na kahulugan ng singsing sa kanilang apat na taong relasyon.

"Ibinigay niya sa akin ‘to two years ago and, oo, suot ko siya lagi.

"It’s a great feeling na, you know, he respects my time, yung timeline ko, nirerespeto niya.

"Yung mga plano ko sa buhay, nirerespeto niya, and he was there all the way.

"Sobrang thankful ko lang kay Luis kasi he has been so patient.

"It’s not about the ring lang, it’s the meaning behind it and yung mga experiences na napagdaanan namin together.

"I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin."

Naiinip na ba siya dahil hindi pa sila nagpapakasal ni Luis?

Continue reading below ↓

"Hindi," sagot ni Jessy.

"No naman, kasi napag-uusapan na rin naman namin so, you know, everything happens sa tamang oras.

"At siyempre, nasa plano ‘yan ni Lord kaya dapat patient ka lang sa mga nagaganap sa buhay mo."

TIPS FROM LUIS

Dahil award-winning TV host si Luis, binibigyan niya ng mga tip si Jessy bilang host ng Fit For Life, ang fitness lifestyle show na napapanood tuwing Linggo, 7 a.m., sa TV5.

Ang makinig sa mga iniinterbyu niya ang isang importanteng aral na itinuro ni Luis sa kanyang girlfriend.

"First of all, you have to listen. Hindi ka dapat naka-focus lang doon sa question mo.

"You have to listen to their answers para, at the same time, ma-connect mo din sa mga questions na itatanong mo.

"Yun ang pinakaunang natutunan ko sa kanya as a host—you have to listen, not to ask lang.

"You have to listen and react also," ni Jessy tungkol sa mga itinuturo at suporta na ibinibigay sa kanya ni Luis.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on relationship with boyfriend Luis Manzano: "Four years na kami and, feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results