TV5, nag-lockdown dahil sa mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Aug 26, 2020
Sa kabila ng safety protocols ng TV5, ilang empleyado pa rin ng network ang tinamaan ng COVID-19. Dahil dito, magsasagawa ng two-day lockdown ang TV5 para sa disinfection ng kanilang gusali sa Mandauyong City.
PHOTO/S: dccd.com

Magsisimula ngayong Miyerkules, August 26, ang dalawang araw na lockdown ng TV5 dahil sa mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.

Pinauwi ang lahat ng mga empleyado ng network para sa disinfection na gagawin sa Kapatid Network building sa Reliance Street, Mandaluyong City.

Sumusunod ang network management sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para makatiyak na ligtas mula sa COVID-19 ang TV5 employees.

Ang impormasyong ito ay ipinost mismo sa Facebook page ng Raffy Tulfo In Action kagabi, August 25.

Continue reading below ↓

Apektado ng lockdown ang live shows ng TV5 kaya mga replay episodes muna ang mapapanood hanggang sa Biyernes, August 28.

Live telecast pa rin ang mga news program, pero virtual ito, na ibig sabihin ay mag-uulat ang news anchors mula sa kanilang tahanan.

Ang virtual media conference kahapon ng Chika, BESH at Fit for Life ang huling event na naganap sa TV5 media center, bago nagdeklara ang management ng lockdown.


Continue reading below ↓

Ironically, ang mahigpit na pagpapatupad ng TV5 sa health protocols laban sa COVID-19 ang isa sa mga tinalakay sa presscon ng network kahapon para kina Pokwang, Ria Atayde, Pauleen Luna, at Jessy Mendiola.

Pahayag ni Jojo Oconer, COO/CFO ng Archangel Media, producer ng Chika, BESH, "We really adhere to strict protocols while we are doing taping in the studio.

"In fact, before the actual taping day, ang dami pang mga ibang requirements that we needed to do—swab test, rapid test.

"Even sa production meetings namin, a big chunk of our time is really talking about safety protocols. Paulit-ulit na reminders and making sure na everybody is following it.

"During taping days naman, we also have protocols na may people in charge to make sure that protocols are being followed.

"We do disinfection sa studios during taping days, multiple times. Lahat ng staff and crew namin, naka-PPE sila, face shields, and masks.

Continue reading below ↓

"In fact, even on on-cam, our hosts are also naka-face shields sila, kahit minsan it’s very uncomfortable and minsan, may glare sa camera.

"But we really prioritize safety above anything else."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng safety protocols ng TV5, ilang empleyado pa rin ng network ang tinamaan ng COVID-19. Dahil dito, magsasagawa ng two-day lockdown ang TV5 para sa disinfection ng kanilang gusali sa Mandauyong City.
PHOTO/S: dccd.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results