Dr. Love ni Bro. Jun Banaag, magpapaalam na sa ere pagkatapos ng 21 taon

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2020
Bro. Jun Banaag declares his loyalty to DZMM: "Wala ho akong planong lumipat ng himpilan, mawalan man ang programa ko. Ako’y mananatili na lamang po sa bahay at maghihintay na lang ng pagkakataon muling tawagin ng kompanya para ibalik ang programang Dr. Love."
PHOTO/S: Screengrab from Teleradyo

“Napakasakit” ang reaksiyon ni Bro. Jun Banaag sa nalalapit na pagwawakas ng Dr. Love, ang kanyang radio program sa DZMM na nakatakdang magpaalam bukas, August 28.

Ang DZMM ang radio station ng ABS-CBN.

Masakit para kay Bro. Jun na, makalipas ang dalawampu’t isang taon, kailangan nang magwakas ang kanyang programa.

Isa ang Dr. Love sa mga casualty ng pagbasura ng Kamara—alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte—sa franchise ng ABS-CBN.

Pamamaalam ni Bro. Jun sa listeners ng kanyang programa: "Sa araw ng Biyernes ang pinakahuling episode ng ating programang Dr. Love radio show after twenty-one years.

"After all those awards that the program has received, after all the acclamations that the program has gained from people, sa lahat ng makukulay na mga kasaysayan na naganap sa programa sa loob ng dalawampu’t isang taon, wawakasan po natin sa Biyernes, a-beinte otso ng Agosto.”

Sinabi ni Bro. Jun na naiintindihan niya ang desisyon ng management na tapusin na ang Dr. Love, pero umaasa siyang muling magbabalik sa ere ang kanyang programa.

Continue reading below ↓

"In as much as we want, nauunawaan natin ang management, pero huwag po tayo mawalan ng pag-asa.

"Ginagawan ng paraan ng management na hindi mawala ang programa natin sa abot ng kanilang kakayanin. Kahit sa weekend, kahit isang oras lang, pipilitin tayong ilagay."

Masakit man daw ay kailangan niyang tanggapin ang pangyayari.

"Napakasakit po sa loob ng dalawampu’t isang taon, tayo’y magkakasama for two hours. We were just contented with just one hour left, pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari.”

Nagsimula nang lumipat sa ibang radio stations ang mga kasamahan ni Bro. Jun sa DZMM, pero nagpakita ng katapatan ang seasoned broadcaster sa salitang binitiwan niyang hindi siya lilipat.

"Wala po akong plano na lumipat ng himpilan. I just love the station that much. Wala ho akong planong lumipat ng himpilan, mawala man ang programa ko.

"Ako’y mananatili na lamang po sa bahay at maghihintay na lang ng pagkakataon muling tawagin ng kompanya para ibalik ang programang Dr. Love," pangako ni Bro. Jun.

Continue reading below ↓

Hiniling ni Bro. Jun sa kanyang mga tagapakinig na samahan siya sa huling broadcast ng radio show niya bukas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bro. Jun Banaag declares his loyalty to DZMM: "Wala ho akong planong lumipat ng himpilan, mawalan man ang programa ko. Ako’y mananatili na lamang po sa bahay at maghihintay na lang ng pagkakataon muling tawagin ng kompanya para ibalik ang programang Dr. Love."
PHOTO/S: Screengrab from Teleradyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results