Pokwang, sinorpresa ni Lee O'Brian at K Brosas sa kanyang 48th birthday

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2020
Pokwang's 48th birthday: "Every year, grateful ako dahil blessings ang bawat kaarawan. Wish ko na walang magkakasakit sa mga pamilya ko, kaibigan at katrabaho ko. Ilayo sila sa pandemic na matapos na sana para lahat tayo ay makausad na muli."
PHOTO/S: Courtesy of TV5

Ngayong August 27, Huwebes, ang 48th birthday ni Pokwang.

Pero biktima ng "fake news" ang komedyana sa mismong kaarawan niya dahil nakalagay sa Wikipedia na "50 years old" na siya.

Ang kanyang maling edad na nakalagay sa Wikipedia ang nilinaw ni Pokwang, na nasa bahay lamang, nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong hapon.

Aniya, "Sa bahay lang po ako. Hindi na ako nagluto kasi may mga nagpadala po ng food sa akin, thank God.

"Every year, grateful ako dahil blessings ang bawat kaarawan. Wish ko na walang magkakasakit sa mga pamilya ko, kaibigan, at katrabaho ko. Ilayo sila sa pandemic, na matapos na sana para lahat tayo ay makausad na muli.

"At sana, mas marami ang magdasal ng Holy Rosary, lalo na ang mga Katoliko na gaya ko."

Pre-taped ang birthday celebration ni Pokwang na napanood nitong Huwebes ng umaga sa Chika, BESH, ang morning talk show nila nina Pauleen Luna at Ria Atayde sa TV5.

Continue reading below ↓

Napaiyak si Pokwang dahil sa surprise appearances ng partner nitong si Lee O’Brian at ng best friend niyang si K Brosas sa kanyang birthday presentaton.

Ang pagiging generous at mapagmahal na ina, anak, kaibigan, at partner ang mga papuri nina Lee at K kay Pokwang. Kaya hindi nakapagtatakang malapit sa kanya ang grasya at nalalampasan niya ang mga pagsubok.

Nawalan man si Pokwang ng kontrata sa ABS-CBN, dalawang regular shows agad ang naging kapalit—Fill In The Bank atChika, BESH.

Isa si Pokwang sa mga showbiz personality na mapalad dahil kung maraming mga artista ang nawalan ng trabaho sa panahon ng coronavirus pandemic, kabilang siya sa iilan na nagkaroon ng mga programa sa telebisyon.

"Powerful ang dasal. Wala na akong ibang hiniling, basta puro pasasalamat na lang po at kaligtasan ng lahat," sabi ni Pokwang, na matibay na matibay ang pananalig sa Panginoong Diyos.

Dating mainstay si Pokwang ng Banana Sundae, ang comedy gag show ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kumpirmado ang balitang may negosasyong nagaganap para ilipat ang Banana Sundae sa TV5.

Tinanong namin si Pokwang kung bukas ba siya sa posibilidad na maging bahagi muli ng nabanggit na programa kapag natuloy ang paglipat nito sa Kapatid Network.

"Opo naman!" walang alinlangang sagot ni Pokwang.

"Mahal ko sila at sobrang miss ko na sila. Haay, can’t wait!"

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang's 48th birthday: "Every year, grateful ako dahil blessings ang bawat kaarawan. Wish ko na walang magkakasakit sa mga pamilya ko, kaibigan at katrabaho ko. Ilayo sila sa pandemic na matapos na sana para lahat tayo ay makausad na muli."
PHOTO/S: Courtesy of TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results