McCoy de Leon: Goodbye Star Magic, hello Viva Artists Agency

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2020
Pagkatapos ni Diego Loyzaga, si McCoy de Leon (nasa larawan) ang latest Star Magic artist na magpapa-manage sa Viva Entertainment. Bukas, August 28, nakatakda ang contract signing ni McCoy sa Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Instagram

Ang Hashtags member at Star Magic talent na si McCoy de Leon ang bagong contract star ng Viva Artists Agency.

Isang virtual media conference ang magaganap bukas, August 28, para kay McCoy.

Dito niya sasabihin ang mga dahilan ng paglipat niya sa talent management agency ng Viva Entertainment.

Ang 25-year-old actor ang pangalawang contract star ng Star Magic na lumipat sa Viva Artists Agency (VAA) sa panahon ng pandemic at panahong pinagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang ABS-CBN noong July 10, 2020.

Nauna nang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency noong August 12 si Diego Loyzaga, na dating talent din ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nagsimula ang showbiz career ni McCoy noong 2012 nang maging mainstay siya ng TV series na Be Careful With My Heart ng Kapamilya Network.

Ang D ‘Ninang ang isa sa mga huling pelikulang ginawa ni McCoy sa bakuran ng Regal Entertainment bago siya pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Continue reading below ↓

Nagsimula ngayong Huwebes, August 27, ang Netflix streaming ng D ‘Ninang na pinagbibidahan ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ni Diego Loyzaga, si McCoy de Leon (nasa larawan) ang latest Star Magic artist na magpapa-manage sa Viva Entertainment. Bukas, August 28, nakatakda ang contract signing ni McCoy sa Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results