McCoy de Leon, nahirapang magpaalam sa Star Magic; nakapagpundar na ng dalawang building

by Jojo Gabinete
Aug 28, 2020
McCoy de Leon on going back to school: "Actually, yung mga batchmate ko, graduate na, kaya medyo nakaka-proud sila. Pero na-feel ko na sana ako din, maka-graduate din ako. Wala naman ako ginagawa, kesa maglaro-laro ako dito ng games. Yun ang na-realize ko."
PHOTO/S: Instagram

Walang conflict ang paglipat ni McCoy de Leon sa Viva Artists Agency.

Natapos na ang kontrata niya sa Star Magic bago pa nagkaroon ng coronavirus pandemic.

Pero kahit wala nang kontrata si McCoy sa talent management arm ng ABS-CBN, nahirapan pa rin siyang magpaalam dito.

"Yun ang pinakamahirap na proseso sa totoo lang, pero kailangan po, e," sabi ng 25-year-old actor sa virtual presscon ng Viva Artists Agency para sa kanya ngayong Biyernes ng hapon, August 28.

"Dumating sa point na before pandemic pa, kaka-start pa lang ng pandemic, wala na akong contract. Naging freelance ako.

"Sabi ko sa kanila, sila pa rin ang mag-schedule."

Dumating din daw si McCoy sa puntong gusto na niyang iwan ang showbiz at mag-aral na lang, pero may dumating daw na oportunidad para magpatuloy sa pag-aartista.

Saad niya, "Sabi ko nga po, nandoon ako sa point na gusto ko nang mag-aral na, actually to leave showbiz nang tuluyan.

Continue reading below ↓

"E, nagbigay nga ng sign, nagpa-realize sa akin na meron pang lumalapit. I mean, meron pang opportunity.

"Sabi ko, walang masama kung i-grab ko. Gusto ko din umakting. Gusto ko gumawa ng iba, ibang journey naman."

Excited si McCoy sa bagong kabanata ng kanyang acting career sa bakuran ng talent management agency ng Viva Entertainment.

Sa tulong ng Viva Artists Agency, umaasa siyang matutupad ang kanyang pangarap maging mahusay na aktor at makagawa ng maraming pelikula.

ABS-CBN CLOSURE

Hindi inilihim ni McCoy na nakaranas siya ng slight depression nang magsara ang ABS-CBN.

May kasamang takot dahil inisip niya ang magiging kapalaran at kinabukasan ng kanyang pamilya.

"Sabi ko, after nun, 'Anong mangyayari? Anong mangyayari sa akin? Anong mangyayari sa family ko? Paano ko sila... lalo na ang mga kapatid ko, gusto ko silang mapag-aral.

"Nasanay na akong, magulang ko… gusto kong sabihin na, 'Stay lang kayo diyan, relax lang kayo, ako na ang bahala.' Nasanay ako nang ganoon.

Continue reading below ↓

"Ayoko nang bumalik sa dati na sila na naman yung magwo-work. Gusto ko, komportable na sila. Secure na sila."

Nagpapasalamat si McCoy sa Diyos dahil nakaipon siya nang sapat, at ito ang ginagastos nila sa panahon ng coronavirus pandemic.

Dalawang building ang naipundar ni McCoy, at ang renta sa mga ari-arian niya ang ginagamit na panggastos ng kanyang pamilya.

"Awa ng Diyos, nasuwertehan naman po na na-secure ko naman yung pamilya ko, kasi nga po, nakapag-invest naman po ako ng dalawang building. Kumbaga, pinapaupahan ko po yun.

"Awa ng Diyos, doon napunta ang ipon ko, kaya ngayong pandemya, meron naman pumapasok na nakakabuhay sa pamilya ko.

"Nagpapasalamat ako na hindi ako maluho na bibili ng kotse, kasi hindi natin ine-expect ‘to. Yun po ang bumubuhay sa amin.

"Sa palengke po kami nakatira. Noong nag-lockdown, lalong dumami yung mga tao.

"Yung mga nagrerenta po doon [sa building], nagtitinda ng gulay."

BACK TO SCHOOL

Civil engineering ang kurso ni McCoy sa Mapua Institute of Technology.

Continue reading below ↓

Bumalik siya sa eskuwelahan nitong may pandemya dahil sa realization na iba pa rin kapag nakatapos ng pag-aaral.

"Dumating sa point na gusto ko na lang mag-school, kasi iba pa rin talaga kapag nakatapos.

"Pero kasi, may ginagawa rin akong serye pa rin sa Dreamscape, yung Burado, pagtukoy niya sa drama series, na Walang Hanggang Paalam na ang bagong pamagat.

"Na-realize ko yun after ko magbasa ng script, 'Anong gagawin ko? Antayin ko na lang ba yung taping?'

"Kumbaga, wala naman akong ginagawa. Gusto kong gawin na worth it yung time."

Patuloy ni McCoy, "Sabi ko, kung kaya ko namang makapag-online class, lalo ngayon online, nag-enroll ako. Nagpatulong ako sa mga ka-batchmate ko.

"Actually, yung mga batchmate ko, graduate na, kaya medyo nakaka-proud sila. Pero na-feel ko na sana ako din, maka-graduate din ako.

"Wala naman ako ginagawa, kesa maglaro-laro ako dito ng games. Yun ang na-realize ko."

Desidido raw si McCoy na magkaroon ng college diploma, na commitment niya sa sarili dahil sa kanyang paniniwalang kapag gusto mo, may paraan.

Continue reading below ↓

Si McCoy ay naging housemate sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Kabilang sa mga teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN ay ang Be Careful With My Heart (2012-2014), We Will Survive (2016), FPJ's Ang Probinsyano, at The Good Son (2017).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon on going back to school: "Actually, yung mga batchmate ko, graduate na, kaya medyo nakaka-proud sila. Pero na-feel ko na sana ako din, maka-graduate din ako. Wala naman ako ginagawa, kesa maglaro-laro ako dito ng games. Yun ang na-realize ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results