Anjo Yllana at Janno Gibbs, reunited sa bagong game show

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2020
Magkakasamang muli ang Ober Da Bakod stars na sina Anjo Yllana (itaas-kaliwang litrato) at Janno Gibbs (ibaba-kaliwang litrato) sa Net25 game show na Happy Time. Makakasama rin nila bilang co-host ang komedyanteng si KitKat (kanang litrato).
PHOTO/S: Instagram / @jannolategibbs | Net25 PR material

Reunited sina Anjo Yllana at Janno Gibbs sa Happy Time, ang noontime game show ng Net25.

Ang Net25 ay ang UHF (Ultra-High Frequency) channel ng Eagle Broadcasting Company (EBC) na may channel designation na Channel 49.

May live pilot telecast ang Happy Time sa September 14.

Si Anjo ang nagrekomenda kay Janno sa EBC management para maging co-host nila ng comedienne na si KitKat sa Happy Time.

Hindi nabale-wala ang rekomendasyon ni Anjo dahil kinuha agad ng EBC ang serbisyo ni Janno.

Malalim ang pinagsamahan nina Anjo at Janno dahil limang taon (1992-1997) na nagkasama ang dalawa sa sitcom na Ober Da Bakod ng GMA-7.

Si Mokong si Janno at si Bubuli si Anjo sa Ober Da Bakod, kaya “Mokong and Bubuli are back!!! Get Ready!!!" ang post ni Anjo sa kanyang Facebook page.

Ang mga host ng Happy Time rin ang kumanta ng theme song.

Nagsimula na ang dry run ng mga laro na dapat abangan ng televiewers dahil exciting at may mga catchy na pamagat.

Continue reading below ↓

Kumpleto na rin ang mga dancer na magsisilbing Money Girls sa mga palaro ng show.

At tulad ng ibang mga TV shows, magkakaroon ng segment ang programa nina Anjo, Janno, at KitKat para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong dahil apektado ng coronavirus pandemic.

Magdiriwang si Janno ng 51st birthday sa September 16 kaya maituturing na perfect gift ang pagkakaroon niya ng bagong programa sa telebisyon.

Hindi alam ng EBC management na kaarawan ni Janno sa September 16 dahil napagdesisyunan nila na September 14 ang pilot airing ng Happy Time bago pa inirekomenda ni Anjo ang kaibigan nito para maging co-host.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkakasamang muli ang Ober Da Bakod stars na sina Anjo Yllana (itaas-kaliwang litrato) at Janno Gibbs (ibaba-kaliwang litrato) sa Net25 game show na Happy Time. Makakasama rin nila bilang co-host ang komedyanteng si KitKat (kanang litrato).
PHOTO/S: Instagram / @jannolategibbs | Net25 PR material
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results