Noontime show ng TV 5, gagawin ng isang ABS-CBN exec at isang businessman?

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2020
Kung matutuloy ang combined efforts ng ABS-CBN exec at ng businessman, magiging apat na ang noontime shows na magkakatapat sa tanghali: ang sa ABS-CBN, GMA-7, NET25, at TV5.

The more the merrier.

Kapag natuloy ang plano ng TV5 na magbukas ng noontime show, magiging apat na ang bilang ng mga magkakatapat na programa sa tanghali.

Sa ngayon, dalawa pa lang ang magkakatapat na noontime shows: ang Eat Bulaga ng GMA-7 at TAPE Inc. at ang It’s Showtime ng Kapamilya Channel,

Sa September 14, 2020 pa lang eere ang Happy Time naman ng UHF Channel 49 ng Net25.

May kinalaman sa production ang nagsabi sa Cabinet Files na magkakaroon na rin ng noontime show ang TV5.

May blocktime agreement ang Singko sa isang mayamang businessman na matagal nang gustong pasukin ang entertainment industry.

Isang executive mula sa ABS-CBN ang consultant ng noontime variety show na ipo-produce ng businessman para sa Kapatid Network.

Dahil inuumpisahan pa lamang ang pagbuo sa noontime show, hindi pa isinisiwalat kung sino ang mga magiging hosts ng programa na makikipagsabayan sa Eat Bulaga, It’s Showtime, at Happy Time.

Continue reading below ↓

Maliban sa Wowowillie na walong buwan napanood mula January 26, 2013 hanggang October 12, 2013, hindi pa nagkakaroon ng ibang noontime variety show ang TV5.

Kaya inaabangan ang kahihinatnan ng programang ilulunsad ng mapangahas na businessman na nagbibigay ng pag-asa sa mga taong nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic at sa pagpapasara sa ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung matutuloy ang combined efforts ng ABS-CBN exec at ng businessman, magiging apat na ang noontime shows na magkakatapat sa tanghali: ang sa ABS-CBN, GMA-7, NET25, at TV5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results