The Clash Season 3, magsisimula na sa September 26

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2020
(Left) The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha; (right) The Clash hosts Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: Noel Orsal

Magbabalik sa September 26 ang Season 3 ng The Clash, isa sa mga successful reality competition show ng GMA-7.

Magsisimula sa September 7 ang taping ng The Clash, pero sasailalim muna sa COVID-19 swab test ang mga sangkot sa production mula sa mga host, judges, contestants, at production staff.

Mahigpit ding ipatutupad ang safety protocols sa taping para sa kaligtasan ng lahat.

Sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose pa rin ang mga Clash master sa Season 3 ng The Clash.

Clashmates sina Ken Chan at Rita Daniela, samantalang mga hurado sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai Delas Alas.

Mananatili si Louie Ignacio bilang direktor.

Nag-umpisa ang telecast ng Season 2 ng The Clash noong September 21, 2019; at sisimulan naman sa September 26, 2020 ang Season 3 kaya parang gugunitain ng programa ang anibersaryo ng pagbabalik nito sa telebisyon.

Si Jeremiah Tiangco ang grand winner ng The Clash Season 2.

Continue reading below ↓

Ayon sa production staff, tulad ni Jeremiah, talented ang mga contenders sa Season 3 na muling mapapanood, sa kabila ng banta ng coronavirus pandemic.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha; (right) The Clash hosts Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results