Lotlot de Leon, itinangging magkasundo na sila ng inang si Nora Aunor

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2020
May lumalabas na balitang nagkasundo na raw ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon matapos mag-post sa Instagram si Lotlot ng throwback picture nila ng kanyang adoptive mother. Pero paglilinaw ni Lotlot, walang ibang kahulugan ang pagpu-post niya ng larawan nila ni Nora.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Itinanggi ni Lotlot de Leon ang mga haka-hakang magkasundo na sila ng kanyang estranged adoptive mother na si Nora Aunor.

Nag-ugat ang espekulasyong nagkasundo na ang mag-ina dahil nag-post si Lotlot sa Instagram account niya ng litrato nilang magkasama, limang araw na ang nakalilipas.

Kuha ang black-and-white photo noong bata pa si Lotlot.

Walang inilagay na caption si Lotlot maliban sa black heart at dizzy emojis.

Continue reading below ↓

Ngunit ayon kay Lotlot, nag-post siya ng larawan nila ni Nora dahil mahal at nami-miss niya ang kanyang ina.

Wala na raw ibang dahilan. Ikinagulat niya ang mga kumakalat na kuwentong, diumano, magkabati na sila ni Nora.

“My posting of my mom’s picture and I, is just because I love her and miss her. Yun lang yun,” paliwanag ni Lotlot.

Ang entertainment writer at confidante ni Lotlot na si Rommel Gonzales ang nagsabi sa Cabinet Files tungkol sa gagawing paglilinaw ni Lotloit sa isyu sa darating na Martes, September 8.

"Ayaw niya nang magsalita. Lahat daw ng sasabihin niya, mapapanood sa Tuesday, sa YouTube Channel niya," sabi ni Rommel.

"Wala naman ibang reason sa pagpo-post ni Lotlot ng photo nila ng mommy niya kundi, ayon sa kanya, nami-miss niya ang mommy niya.

“And mommy niya ‘yon, so hindi naman issue kung mag-post siya ng photo nilang dalawa. Actually, nagulat siya na bakit naging issue, e, wala namang issue.

Continue reading below ↓

“Lahat ng questions, lahat ng speculations, masasagot sa Martes sa YouTube channel ni Lotlot, doon niya sasabihin ang lahat, especially tungkol sa kanila ng mommy niya."

Igniit ni Rommel na talagang matagal nang hindi nagkikita at nagkakausap sina Nora at Lotlot.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May lumalabas na balitang nagkasundo na raw ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon matapos mag-post sa Instagram si Lotlot ng throwback picture nila ng kanyang adoptive mother. Pero paglilinaw ni Lotlot, walang ibang kahulugan ang pagpu-post niya ng larawan nila ni Nora.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results