Billy Crawford, makakatapat sina Vice Ganda at Vhong Navarro sa TV5 noontime show?

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2020
Tanggapin kaya ni Billy Crawford ang offer ng TV5 na mag-host ng noontime show katapat ng It's Showtime?
PHOTO/S: @billycrawford Instagram / It's Showtime

Halos walong taong naging bahagi noon si Billy Crawford ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Pero malaki ang posibilidad na makatapat niya ang dating co-hosts tulad nina Vice Ganda at Vhong Navarro sakaling tanggapin niya ang alok para maging co-host ng bagong noontime show ng TV5.

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng report noong Sabado, August 29, tungkol sa blocktime noontime program ng Kapatid network.

Magkatulong sa pagbuo nito ang isang ABS-CBN executive at businessman na gustong maging active sa entertainment industry.

Si Billy ang isa sa mga napipisil para maging host ng blocktimer show, at malaki ang tsansang tanggapin niya ang alok.

Hindi na siya napapanood sa It’s Showtime mula nang nagkaroon ang singer-TV host ng mga solo program sa Kapamilya Network gaya ng Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, at Search for the Idol Philippines.

Kung matutuloy ang pagpasok ni Billy sa noontime show ng TV5, magiging dalawa na ang kanyang regular program doon.

Continue reading below ↓

THE MASKED SINGER

Si Billy ang host ng Philippine version ng The Masked Singer, na co-production venture ng Viva Television at ng Kapatid Network.

Magsisimula sa susunod na buwan ang airing sa TV5 ng sikat na music game show na nag-originate sa South Korea.

Sa kasalukuyan, tatlumpu’t isa ang mga bansang may franchise ng The Masked Singer dahil sa popularidad nito.

Mga celebrity na nakasuot ng costume ang mga contestant ng The Masked Singer.

Ang mga singing voice lamang nila ang naririnig ng viewers at ng mga hurado.

Kung sino ang tatanggap ng pinakamababang boto, sila ang matatanggal sa contest at mag-aalis ng suot na maskara para ipakilala ang kanilang sarili.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanggapin kaya ni Billy Crawford ang offer ng TV5 na mag-host ng noontime show katapat ng It's Showtime?
PHOTO/S: @billycrawford Instagram / It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results