Former sex symbols Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor sanib-puwersa sa "PORNSTAR"

by Jojo Gabinete
Sep 3, 2020
Director Darryl Yap (center) with "paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR" stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.
PHOTO/S: Facebook

Ang paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR ang bagong movie project ni Darryl Yap.

Si Darryl ang direktor ng box-office hit movie na #Jowable, ng BL series na Sakristan, at ng hugot short films para sa Vincentiments.

Mga bida sa PORNSTAR ang mga dating sex symbol na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

Dalawang linggong kinunan sa Subic, Olongapo ang mga eksena ng pelikula habang ipinatutupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region.

Pero tiniyak ni Darryl ang mahigpit na pagsunod nila sa health and safety protocols.

"Nagsimula ang shooting namin, early August po. May rapid and swab COVID-19 tests.

"All the measures, sinunod namin, even sa housing [of the stars] and all," sabi ni Darryl nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong hapon, September 3.

"MGCQ sa amin sa Subic, so maluwag kaming nakapag-shooting, plus teritoryo ko po kaya madali at mabilis ang lahat.

Continue reading below ↓

"The whole SBMA family was very supportive and generous, Admin/Chairperson Amy Eisma is such an effective leader, she managed to save the economy habang priority ang COVID-19. Sobrang gaan ng shoot namin dahil sa kanila."

Hindi itinanggi ni Darryl na starstruck siya sa apat na bida ng PORNSTAR.

Mismong siya ang pumili sa apat kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa Viva Films dahil pinagbigyan ang lahat ng mga hiniling niya.

Bilang batang ‘90’s, nami-miss ni Darryl ang mga sexy star na kanyang nakagisnan na inspirasyon para maisulat niya ang kuwento ng PORNSTAR.

"Lahat po silang apat, I pushed and requested talaga. I told Viva na kung hindi sila ang mga bida, hindi ko po magagawa.

"The whole script po is based sa career nilang apat, so research po ang pundasyon. The story is about four former sex goddesses making a new one for this generation."

Unforgettable experience para kay Darryl na makatrabaho sina Alma, Rosanna, Ara, at Maui.

Continue reading below ↓

Pero ang kanyang trademark na long-take-one-take scene ang isa sa mga hindi niya malilimutan nang gawin nila ang PORNSTAR.

"My signature long-take na one take lang ang hindi ko makakalimutan.

"With Jowable, it’s with Candy Pangilinan. Sa Tililing with Cai Cortez, seven minutes I guess. Sa Babaeng Walang Pakiramdam with Kim Molina.

"At dito sa PORNSTAR, it’s with the four of them.

"Para sa akin po, itong PORNSTAR ang pinakamaganda kong maitatawid.

"Masayang-masaya po ako mula sa shoot hanggang sa editing ngayon," sabi ni Darryl.

Hindi raw siya natatakot na muling kuyugin ng mga moralista at bashers dahil sa kanyang katwiran na, "I am always ready for backlash and bashers. Sila ang pampalasa sa bawat inihahain ko sa madla."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (center) with "paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR" stars (from left) Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, and Alma Moreno.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results